JOHN LLOYD, naispatan sa isang sabungan kaya todo-react ang netizens

NI:  Rohn Romulo

SPOTTED si John Lloyd Cruz sa isang sabungan, kaya pinag-uusapan siya ng netizens kung ano ba talaga ang ginagawa niya doon.

Nagtalo-talo tala ang netizens at may kanya-kanya silang interpretation sa photos ni John Lloyd na lumabas.

May mga nagulat, meron ding nagsabi na okey lang daw ‘yun na libangan.  Pero ang isa pang obserbasyon ay malamang nagmamasid lang doon si Lloydie para sa role sa isang pelikula.

Ilan sa mga comments sa FashionPulis.com:

“Omg I love John Lloyd and Cockpits.

“Go lang Loydie! Whatever makes you happy! Pakiuwi mo yung talunan na manok ha at nang matinola ko hehe.

“Okay lang yan. Take your sweet time out.

“Jusmiyo Lloydie ano na ba talaga gagawin mo sa life.

“Bawal na bang mag-enjoy sa buhay paminsan-minsan? Ang lungkot naman ng buhay mo kung palaging calculated ang ginagawa mo.

john lloyd (1)

“Kaloka wag naman maubos ang iyong pera dyan. Addictive din ang sport na yan parang casino. Sayang naman at may anak ka na as much as possible maganda kung may mana kang ibibigay.

“Madaming artista na kahit malaki ang sinuweldo nung tumanda nawala ang halos lahat ng inipon. Ang pera nauubos.

“Marami siyang investments at hindi bawal gumastos minsan.

“Immersion for a role?

“Posible. JLC doesn’t strike me as a betting guy, kasi if he is, he could have done that already when he was at his peak of kayamanan.

“Dating matinee idol, sabungero na ngayon. Jusko!

‘He’ll never be able to get his shiny star back. He can still get back to acting. He just wouldn’t be as popular as before.

“Ang tanong gusto ba talaga nya bumalik showbiz??

“Korek. Iyan din ang feeling ko. Too much water under the bridge. Kahit pa akayin siya ni Bea. The bridge is burned down.

“He looks like he belongs there.

“Example na money can’t buy happiness. Nasa top na sya at kahit sinong babae kaya nya kunin dati. Pero always looking sya kasi hindi nya mahanap ang magpapasaya sa kanya. Pwede sya bumili ng madaming kotse para pasayahin ang sarili.

“Ito ang malungkot at nakakatakot kapag nangyari sa atin kahit halos glorify sya dati ng mga katrabaho at tao hindi nya mahanap ang happiness. Kahit simple ang buhay nya ngyon parang nag hahanap parin sya.

“Happiness comes from within. If you’re at peace with yourself, you would be happy no matter what. Ultimately, it’s you who would determine your happiness and not other people around you.

“Naku, that’s the bottom of the pit na.

“For movie ba ito or what seryoso na tumataya sya, ingat john lloyd yung kaibigan ko naghirap dahil jan nag pakamatay nabaon sa utang.

“Sa panahon pala ngayon may nagsasabong pa. Di man lang casino jlc. Lagot ka sa may advocacy ng animal rights.lol

“Baka naman he’s researching/immersing for an upcoming role.

“Gumagawa ng indie movie?

“His eyes really look sad.

“Thats for a role, people. Seriously, naniniwala kayo na magtiyaga yan sa loob ng sabungan? ang baho, ang init, ang ingay. 🙄”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s