Alden, nanggulat at pinaghirapan talaga para magkaroon ng abs

NI:  Rohn Romulo

MAY pasabog na post ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang instagram last Wednesday, February 5.

Post niya sa @aldenrichards02: Morning mood be like…swipe left.”      Kasama nito ang dalawang photos, na kung saan muli niyang ipinakita ang kanyang abs, na pinagdudahan ng ilang bashers.

Parang ito na ang sagot ni Alden, na totoong-totoo at pinaghirapan niya ng husto ang kanyang abs para sa maging endorser ng isang tuna brand.

85061334_558089491459007_859815228177645568_n

Sa media launch ng Centerstage, ang newest musical competition (para sa young aspiring performers na mag edad na 7 to 12) ng GMA-7 na kanyang iho-host, natanong kay Alden ang panggugulat niya sa pagkakaroon ng abs.

      “Tinago ko po kasi siya,” sabi niya.

      “Kumbaga, hindi ko pinakita na nagpi-prepare ako.  Pag naggi-gym ako, parang pa-dumb bell-dumb bell lang.

      “Pero hindi talaga ako nagpakita para may surprise for 2020.  Parang I owe it to myself, ilang taon ko nang sinasabi na gusto kong magka-abs, pero puro drawing lang.

alden-abs

      “So, ito pinilit ko talagang gawin.  Pinilit kong magkaroon.  Hard work, effort and dedication.  Nag-diet talaga ako.

      “From the original weight,  siguro atleast 25 to 30 pounds ang na-shed within three to four months.”

Anyway, si Betong Sumaya ang magiging co-host ni Alden. Sina Aicelle Santos, Mel Villena at si Ms. Pops Fernandez ang magiging hurado.

Mapapanood na ang Centerstage sa February 16 (7:40 pm) at mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s