Ara Altamira, isa sa mga guest sa concert na “Zyryn @ 16” sa February 9 sa Music Box

NI: Throy Catan

Ara Altamira (7)

MULING sasabak sa kantahan ang aktres na si Ara Altamira sa birthday concert ni Zyryn Laguitao na pinamagatang Zyryn @ 16 na ipapalabas sa February 9, Sunday sa Music Box, Timog Ave., Quezon City.

Habang pinaghahandaan ang nasabing concert, nananatiling busy sa kanyang mga TV and movie projects. Isa siya sa mga cast ng Kapuso show na Daddy’s Gurl na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Kamakailan lang ay gumanap siya bilang Tin sa Momshie Serye ng Magandang Buhay.

Lumalabas din siya sa Kapamilya at Kapuso shows katulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Maalaala Mo Kaya, at Ipaglaban Mo. Meron din siyang dalawang movies from Regal Films na Papa Pogi na pinagbibidahan ni Ted Corpuz, at Stranded na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde.

Mapapanood niyo rin ang kanyang show sa iWant TV na Mga Mata Sa Dilim bilang Jane. It’s directed by Enzo Williams starring Derek RamseyJessy Mendiola, and Joko Diaz. Kasama rin siya sa cast ng Hush: Swingers na mapapanood din sa iWant TV.

Ara Altamira (9)

Maliban kay Ara Altamira at Zyryn Laguitao, mapapanood din ang theater actor/singer Carlo Mendoza, recording artist John Arcenas, singer Arthem Basierto, at recording artist Irene Solevilla.

Zyryn at 16” ay produksyon ng TJC Entertainment Productions at sa direksyon ni Throy J. Catan. Nagpapasalamat ang TJC Entertainment Productions  sa mga sponsors: Throyskie’s Peanut Butter, Above Aesthetics, Dental First, R Multimedia Prod, Throycath Travel and Tours Agency, and Aficionado.

Ang mga official media partners sa event na ito ay Showbiz News Intrigues at People’s Balita Showbiz.

Zyryn at 16

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s