Cristine at Xian, parehong maangas ang character sa ‘Untrue’; acting piece ayon kay Direk Sigrid

NI:  Rohn Romulo

IPALALABAS na sa ika-19 ng Pebrero ang Untrue ng Viva Films at IdeaFirst Company na naging opening film sa QCinema International Film Festival noong nakaraang taon.

Ang psychological-drama thriller na pinagbibidahan nina Cristine Reyes at Xian Lim ay mula sa Kita Kita writer/director na si Sigrid Bernardo.

Gaganap sina Cristine at Xian bilang Mara at Joaquim, dalawang Pinoy migrante sa bansang Georgia na malapit sa Russia, Turkey, Armenia at Black Sea.

untrue-crisxian2

Kahit na hindi pa man lubusang nagkakakilala, mabilis na nagpakasal ang dalawa.  Nang mauwi na sa sakitan ang kanilang romansa, magsusumbong sa pulis si Mara at tinawag na baliw si Joaquim, pero iginiit naman ng huli na si asawa niya ang tunay na baliw.

Dumadagdag pa sa suspense ang misteryosong aparisyon ng isang babae.

Maangas ang character na ginampanan ni Cristine at Xian. Hindi nga ito ordinaryong love story dahil sa psycho-thriller ang tema na kung parehong mahusay ang performance ng dalawang bida.

untrue-crisxian1

Ayon pa kay Direk Bernardo, acting piece ang movie na ito na kung saan pinupuri talaga sina Cristine at Xian ng mga nakapanood na, lalo na nang ipalabas ito sa pretigious Tokyo International Film Festival noong October, kasama ng pito pang pelikulang Pinoy.

Kuwento pa ng direktor nagkaroon sila ng 10 days workshop at kumuha pa siya ng acting coach.  Kinailangan din ni Xian na mag-gain ng 20 pounds at magpatubo ng balbas, habang Cristine naman ay nagpakulay ng buhok.

Halos lahat ng mga eksena sa Untrue ay kinunan sa Tbilisi, ang capital ng Georgia, na sinasabing one of the safest capital cities sa Europe, kung saan tiniis nila ang matinding ginaw na bumagsak sa -1 degrees Celsius.

untrue-crisxian

Nakadagdag nga ang lugar sa misteryong bumabalot sa kuwento ng Untrue na pinili mismo ni direk Bernardo, dahil konti lang ang kababayan natin doon na kailangan sa kuwento.

Ibang atake ang ginawa ni direk Bernardo sa bago niyang obra kaya nagmarka sina Cristine at Xian sa kanilang mga eksena.

Para naman sa mga moviegoers, maging attentive lang mula sa simula ng Untrue para mas lalo n’yong ma-appreciate ang kabuuan nito na may kakaibang twist na tiyak na tatatak na naman katulad ng Kita Kita.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s