Ai Ai, ipinagdiinang hindi pabor sa same sex marriage pero okay maging ninang

NI:  Rohn Romulo

SA grand presscon ng D’ NINANG! na isang warm family comedy ang handog ng Regal Multimedia natanong ang bida na si Ms. Ai Ai Delas Alas sa naging pahayag niya sa same sex marriage.

Ayon sa Comedy Queen, “Okey lang sa akin na magmahalan ang same sex, pag-ibig yun eh.

      “Pero, ‘di ba nasa bibliya yun na ang babae ay para sa lalake at lalake ay para sa babae.

d'ninang

      “Wala akong against sa pagmamahalan ng same sex, kasi nadaanan ko na lahat ‘yan dahil open book naman ang buhay ko, alam n’yo yan.

      “Yun lang kasal, hindi talaga ako pabor.”

Dagdag pa niya, “at totoo ito, kapag ang kinukuha akong ninang sa kasal ng mga bumblebee o chuklatey, umoo ako pero hindi ako uma-attend, nagbibigay lang ako ng pakimkim.

      “Sinasabi ko lang na ‘wag na, kasi hindi ako naniniwala dyan, pero mahal ko sila.”

Samantala, kasama ni Ai Ai sina Kisses Delavin, McCoy De Leon, Kelvin Miranda and introducing  si Angel Guardian

Kasama pa ang pamilyang magbibigay sa inyo ng katatawanan at kakulitan na sina Kiray Celis, Lou Veloso at Joey Marquez.

Mula ito sa direksyon ni GB Sampedro at mapapanood na January 22 sa mga sinehan sa buong bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s