COLEEN, nagulat pagpatol ni BILLY sa isang netizen; chemistry nila ni EA sa ‘MIA’ kapansin-pansin

BY: Rohn Romulo

SA pagbubukas ng 2020 mukhang tuloy-tuloy lang ang suwerte ng Viva Films dahil patuloy na pinapanood ang top-groseer ng 45th MMFF na Miracle in Cell No. 7 at ang The Mall The Merrier na nasa ikalawang puwesto na siguradong extended kahit na nagtapos na ang filmfest noong January 7.

At sa January 15 naman ipalalabas ang MIA na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman na idinirek ni Veronica Velasco, na sila rin ang magdi-distribute sa prinoduce ng Insight 360 Films na pag-aari ng public relations guru at award-winning filmmaker na si Chris Cahilig.

Nagpapasalamat si Direk Chris dahil simula nang pinost ang trailer ng pelikula noong November 11 ay umabot na kaagad ng higit sa six million six million organic views sa Facebook, at halos 500,000 views naman sa YouTube, patunay lang marami talaga ang nag-aabang na mapanood ang MIA sa big screen.

Coleen-Garcia-and-EA-Guzman-MIA

Ayon sa mga comments ng netizens, maganda ang chemistry nina Coleen at EA, kakaibang story plot, at ang magandang cinematography ni Noel Teehankee na puwede raw mai-compare sa Hollywood at South Korean films.

“Sabi ko bagong Hollywood movie ‘to ah. Ayan na laseng na ‘yung Americana tapos biglang (Pinoy) film . . . luh!”

      “May chemistry! (I) had goosebumps actually. The storyline seems relatable, the soundtrack complements the vibes of the story. I’ll watch this.”

Napakaganda ni Coleen! Natural beauty, even without makeup, ang kinis pa rin.     

      “Nag-mature na talaga si Coleen; ang galing-galing na niya.”

      “Crush ko si Edgar noon pa. Galing umarte noon pa. It’s nice to see him in a movie.”

Nagustuhan din ng netizens ang official soundtracks na “Sa Iba Na Lang” performed by duo B.O.U. at “Ikaw Na Nga Talaga” by 1:43, na parehong sinulat ni Jayson Dedal at in-arrange ng Sonic State Audio Studio.

Kasama sa cast members ang veteran actors na sina Yayo Aguila at William Martinez, Star Orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Benitez, Xenia Barrameda at may special participation si Billy Crawford.

Dalawang araw bago ang nationwide showing ng Mia, magkakaroon ng ‘National Mia Day’ sa January 13 na gaganapin sa Cinema 1 ng SM Megamall, na kung saan ang mga lucky women na may pangalang ‘Mia’ ay mabibigyan ng free tickets para uma-attend sa special screening ng movie.

Coleen-Garcia-and-EA-Guzman-MIA1

Ang cast and crew na pinangungunahan nina Coleen at EA ay magkakaroon ng series of mall shows na nagsimula sa Sta. Lucia Mall (January 5), susunod sa SM Dasmarinas (January 11) at Fishermall Malabon and Quezon Avenue (January 12).

Samantala, nagulat si Coleen sa pagpatol ng kanyang asawang si Billy sa isang netizen na nag-comment na parang hindi raw nakikita na masaya sa buhay may asawa.  Bagay na pinabulaanan ng magandang aktres na tiyak na hahangaan na naman sa kanyang pagganap sa Mia.

Natanong din Coleen tungkol sa bali-balitang break na sina James Reid at Nadine Lustre, na nakasama niya sa noong New Year’s day pagkatapos ng countdown.

At base sa nakita, mukhang okey naman daw ang dalawa, pero mas mabuting kina James at Nadine talaga manggaling kung true ba o fake news lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s