Joem, magiging masaya pa rin ang Pasko kahit may pinagdadaanan dahil kasama ang pamilya

NI:  Rohn Romulo

FIRST time pala ni Joem Bascon na magkaroon screen partner sa isang pelikula at ito ang official entry ng TBA Studios sa MMFF 2019, ang Write About Love na mula sa direksyon ni Crisanto B. Aquino na ipalalabas na simula sa December 25.

      “Very light ang role ko dito sa ‘Write About Love’ na rom-com at first time kong magkaroon ng partner,” sabi ni aktor na gumaganap na Marco.

      “Kasi palaging character roles, lagi na lang mabibigat.  Kaya, I’m very happy na nakagawa ako ng love story.”

Ang ka-partner nga niya si movie ay si Yeng Constantino bilang Joyce, na ramdam na ramdam ang kanilang pagmamahalan sa Write About Love na kung saan bida rin sina Miles Ocampo at Rocco Nacino.

PR PHOTO 2

Inamin naman ni Yeng na nagulat siya sa kanyang paghuhubad sa first day of shooting at kinailangan din niyang kumandong sa isang eksena.

      “Oo nga eh, may kandong at naghubad talaga ako sa harap niya.  Kilala n’yo naman ako, hubadero ako.  So, pag sinabi sa akin na kailangan sa script, okey naman sa akin.

      “So ayun, kailangan naman siguro sa eksena na maghubad ako, kaya nagulat siya.  Happy lang ako na game siya at very honest siya sa feelings niya at nakita naman sa movie na totoong inlove kami sa isa’t-isa.”

Infairness, pareho silang mahusay sa movie at tiyak na madadala ang manonood sa love story nina Joyce at Marco na tiyak na magpapaluha sa sakit ng kanilang pinagdaanan.

PR PHOTO 4

Samantala, may personal na pinagdadaanan ngayon si Joem, matapos na magkahiwalay sila ng eight year girlfriend/vlogger na Crisha Uy, na ayon sa aktor ay walang third party.

Kaya magiging iba ang pagdiriwang niya ng Pasko sa taong ito.

      “Hindi naman siya blue Christmas,” sambit niya,

      “First time kong mag-spend ng Christmas with my family sa house namin sa Cainta, kaya happy naman ako. 

      “Everytime kasi na may holiday, umaalis kami dahil mahaba-haba ang bakasyon.  And natuwa naman ang daddy ko, na makakapag-spend ako ng holidays with them.

      “Happy ako, na ito ‘yun mga bagay na minsan hindi mo na napapansin dahil busy ako sa work pati sa relationship.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s