VIC, graduate nang makipag-compete sa pagiging top grosser sa ‘MMFF’

NI:  Rohn Romulo

HUMANDA sa pinaka-malaking action-adventure family movie ngayong Pasko sa pakikipagsasanib-puwersa ni Vic Sotto kina Pokwang, Jake Cuenca, Wally Bayola, Jose Manalo, at Maine Mendoza sa Mission Unstapabol: The Don Identity, ang official entry ng APT Entertainment Inc. at MZET Productions para sa 2019 MMFF.

Karapat-dapat banggitin ang mahusay na pagganap ni Vic bilang si Don Robert Fortun na isang master strategist.

To date ito na ang pinaka-thrilling na character na kanyang nagampanan sa maningning na kasaysayan sa taun-taong pagsali sa MMFF, dahil may puso.

      “Gagawin ni Don Robert ang lahat para ma-vindicate siya sa isang krimen na hindi ginawa niya ginawa,” sabi ni Bossing Vic.

      “Habol niya ang katotohanan at hustisya.  Interesting at exciting makita kung paano mag-eevolve ang kanyang karakter sa movie.”

Sinagot naman ni Bossing Vic ang tanong tungkol sa pagiging number one sa takilya.

      “Hindi ko na iniisip ang ganyan, ang sa akin, what matters ay maging matagumpay ang festival as whole, dahil magaganda naman ang line-up this year.”

vic & maine

Kung si Coco Martin ay payag nang maging first runner-up ni Vice Ganda, sagot naman ni Bossing Vic, “kahit third runner-up, okey lang, basta maganda ang resulta ng filmfest. Graduate na rin ako sa top grosser-top grosser na yan.”

Ito rin ang first full-length mainstream movie ni Maine after ng critically-acclaimed romantic-drama na Isa Pa, With Feelings na kung saan nakatambal niya si Carlo Aquino at nagpamalas ng kanyang dramatic acting prowess, hitik naman sa adrenaline and spice ang makikita sa kanyang fabulous  action sequences bilang Donna ang misteryosang master computer hacker.

Mula ito sa direksyon ng ace action-adventure na si Mike Tuviera na ginamit ang lahat ng elemento para maging kapana-panabik, “Hitik ang pelikulang ito sa positive Filipino values.

      “There is a lesson to be learned here, the good will always be rewarded and justice will always be served to the innocent.  At the end of the movie madidiskubre ng mga tao na ang pinaka-mahalaga ngayong Pasko ay pamilya  pagpapatawad, at pagmamahalan.”

Magdadagdag kulay sa pelikula na mapapanood na sa December 25 sa mga sinehan sa buong bansa ang bonggang support cast na kinabibilangan nina Tonton Gutierrez, Max Collins, Lani Mercado, Clint Bondad, Pekto, Dino Pastrano, at Sarah Lahbati.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s