COCO, napasubo sa isang eksena nila JENNYLYN na kailangang mag-swim suit; malaki ang pasasalamat kay SAM

NI:  Rohn Romulo

INAMIN ng King of Philippine TV na si Coco Martin na pinakamahirap niyang pelikulang nagawa ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon! na kung saan siya ang nagsulat, nag-edit nag-produce at nagdirek.

Sa movie kailangan niyang magpanggap bilang Paloma na nawalay na half sister ni Trina na ginagampanan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Ayon kay Coco, “ang hirap kasing magbihis babae, talagang in-effort-an mo.  Lahat ng looks ko iniba iba ko, hindi yun palit makeup at damit lang.  Kaya ako ang pinakamaaga sa set kasi one and a half ako mini-make-up-an.     “Tapos bibihisan ako at kung ano ano ang ilalagay sa akin para maging sexy.  Nagkasugat-sugat pa katawan ko dahil sa corset.”

coco & sam

Inamin din ni Coco na napasubo siya sa isang eksena nila ni Jennylyn na kailangan nilang mag-swimsuit pero ng kukunan na ang eksena, “nag prinesent ko kay Jen pumayag siya, kaya sinabi kung kaya ko ba panindigan dahil kailangan kong magpakita ng puwet.

      “Mapapahiya naman ako pag di ko ginawa, kaya ginawa na namin sa pelikula. Actually yun ang babayaran ng mga tao.”

Dagdag kuwento pa ni Coco, “ibang ibang Paloma ang mapapanood, sinagad ko na talaga. Actually isa sa pinaka-highlight ng pelikula yun eksena namin ni Sam (Milby).  Yung nilalandi ko siya at nagsasayaw ako sa harapan niya. Tapos magki-kiss kami, ibang iba talaga.

      “Sabi ko nga gagawa ka rin ng comedy, sagarin mo na, wala ng tipiran.  Yun lahat ng maiisip mo at ‘di ini-expect ng mga tao.

“Sana lang after ng movie na ito lahat ng nanonood ng ‘Ang Probinsyano’ bumalik pa rin ang pagtingin nila kay Cardo, baka maiba eh.”

3pol trobol-CEB

Speaking of Sam, malaki ang pasasalamat ni Coco na tinanggap ang kontrabida role.

“Sobra kong tinatanaw ng loob na pumayag si Sam na makasama namin sa pelikula, kasi Sam Milby yan. Honestly, nagdadalawang isip ako papayag kaya si Sam na this time siya yun ang kalaban namin.

      “Pero na-surprise ako nang in-approach ang management niya hindi kami nagdalawang-balik para tanggapin ang project.  Tapos ganun din sina Tito Joey (Marquez) at Tita Carmi (Martin).”

Dagdag kuwento pa ni Coco, “kaya si mommy AiAi delas Alas at Jen noong kinuha ko sila alam ko na silaang kailangan ko para makagawa ng magandang pelikula and after that doon po namin binuo at kung anong konsepto ang mabubuo namin sa pelikula.”

Proud na proud naman si Coco sa finished product ng 3pol Trobol: Huli Ka Balbon! na official entry ng CCM Film Production sa ika-45 na Metro Manila Film Festival kaya ‘di siya nagwo-worry sa box office na mapapanood na sa December 25.

      “Honestly, wala kasi akong isyu kung sino ang number one kung sino number two.  Iisipin ko pa ba yun, dapatnga kinakabahan ako.

“Ngayon excited ako, pag alam mong maganda ang produkto mo, excited kang i-announce sa mga tao at confident.  Kaya kahit ano pang number kami, basta ang importante pagkatapos ng MMFF proud ako sa ginawa ko,” masayang pahayag pa ni Coco na kung saan binigyan ng Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s