Miles, wish na makapasok sa top 5 films ng MMFF 2019 ang ‘Write About Love’; sobrang naka-relate sa movie

BY: Rohn Romulo

ANG Write About Love ng TBA Studios ang kaisa-isang rom-com sa 45th Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa December 25 in cinemas nationwide.

At dahil binigyan ito ng Rated G (suitable for all audiences) ng MTRCB, hindi lang ito sa para sa mga lovers dahil pang buong pamilya rin, na siguradong marami ang makaka-relate.

Si Miles Ocampo na isa sa bida ng Write About Lovie na kung ginagampanan niya ang isang nag-a-ambisyon na maging scriptwriter sa pelikula.

Na sobra siyang nakaka-relate sa role dahil sa totoong buhay, nagsusulat talaga siya ng script na someday ay maging isang pelikula at makapasa sa panlasa ng major studio katulad ng Star Cinema.

      “Sabi ko nga ito ang biggest project ko, parang sobrang lapit ng movie na ito sa puso ko bilang writer din ako” sagot niya.

      “Makikita rin dito ang ‘yun journey kung paano ano ba talaga ang nangyayari sa isang kuwento along the way.

      “Sabi ko nga kay Direk Cris (Aquino) parang kuwento ito ng buhay ko, pero sa pelikulang ito, mas tataas ang respeto manonood doon sa mga tao behind the camera.”

prem1

Minsan pa, kinuwento ni Direk Cris kung bakit niyang kinuha at nagustuhan si Miles para sa role ng female writer na makakatambal ni Rocco Nacino na bilang bihasang scriptwriter na tutulong para ma-revise ang kanyang story at matapos.

      “Kasi writer din siya kaya match na match.  Tapos no boyfriend since birth.  I mean, para sa kanya talaga ‘yun role, kaya hindi ko na siya pinag-audition, sina Rocco, Yeng (Constantino) at Joem (Bascon) lang.

      “Bihira din kasi sa artista yun writer, walang masyado sa ganun age na kailangan ko.  Yun nasa 20 to 21, at wala akong maisip na ibang artista kundi si Miles.”

Aminado naman si Miles na nakapagsulat na siya ng script na balak niyang i-produce na maging pelikula.

      “Ang requirement kasi namin kay Sir Ricky Lee ay makasulat ng full length script, na about friendship at marami pang dapat ayusin. But hopefully someday mapanood din.

      “Nakakatuwa naman ang ‘yun mga ate at kuya ko sa industriya, napaka-supportive nila, na, ‘halika ayusin natin,’ ako po yung nahihiya.

      “Gusto nga ni Direk na basahin, nahihiya po ako, gusto ko munang ayusin yun script.”

At kung may gusto raw gumanap sa magkaibigan sa story niya ay sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Since na target din ng Write About Love na nakakuha naman ng B-Grading sa Cinema Evaluation Board, ang buong pamilya, ano kaya ang wish ni Miles sa magiging resulta sa takilya dahil makakabangga nila ang sinasabing top three films na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto?

      “Kahit makapasok lang kami sa top 5.  Hindi ako nag-i-expect pero hindi naman masamang mangarap. 

      “Sana lang mabigyan ng chance ng manonood, excited na po ako na mapanood nila ang movie,” pahayag pa ng young actress.

Napanood na namin ang Write About Love sa ginanap na premiere night noong Lunes (Dec. 2) sa Cinema 1 ng SM Megamall at puro positibo ang natanggap ng apat na bida na pawang mahuhusay sa kani-kanilang character.

Kakaiba ang treatment ng movie na hopefully ang magustuhan ng millennial viewers dahil sigurado kaming makaka-relate sila.

Sa pagkukuwento pa ni Direk Cris, “para siyang two in one movie.  Story nina Joyce at Marco at story ng female writer at male writer na pinag-isa, kaya interesting siyang panoorin.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s