TONTON, ipinaglaban at pinag-awayan para maging bida ng ‘AMiR’

NI:  Rohn Romulo

IPINAGLABAN pala si Tonton Gutierrez ni Moonyeen ‘Anon’ Ozaeta kay Direk Rommel ‘Metz’ Espinosa para gumanap na bida ng advocacy film na AMiR dahil nakita niya sa aktor na swak na swak ito sa true-to-life character na kanyang sinulat na tumatalakay sa ‘covert narcissist’.

      “Pinag-awayan po namin si Tonton,” pag-amin ni Ms. Anon sa presscon na ginanap sa lobby ng Solaire Theater.

“Ako po kasi Tonton kahit na anong mangyari, sabi ko sa kanila.  Pero na-justify naman po, ‘sabi ko, tingnan mo, it is probably the          female intuition  na meron kami.

      “When I was writing it, I have no idea who to get pa before talking to Direk Metz.  Then I saw him on Dramarama sa GMA-7, nakita ko sa kanya, then I started writing na in details.

“So, when I approached Direk, made up na ang mind ko na siya lang, otherwise ‘wag na nating gawin ‘to.  Kaya na-challenge ko si Direk.”

amir (2)

At hindi nga nagkamali si Anon sa pagpili nila kay Tonton dahil na-deliver niya ito with flying colors.

“Nakita ko talaga na kuhang-kuha niya yun character.  Tapos sinabi niya sa akin na parang ganun daw siya noon araw.  

      “Pero sabi ko, kung na-overcome mo naman siya, atleast hindi ka deeply narcissistic.  Napansin nga namin ni Direk na meron siyang ganun tira, na my God, siyang-siya ‘yun.

      “Tapos sabi ko, sana ‘wag niyang madala sa real life.  Nasa script naman kasi yun, very effective talaga ang pagganap niya bilang AMiR.”

Kaya tinanong namin si Tonton, kung ano ang naging preparation niya sa pag-atake ng napaka-               challenging na role.

“Well, I need a little of reading about narcissism and of course a big help from Ms. Anon.

      “So, nag-usap kami, kinuwento niya kung ano ‘yun narcissist, nalaman ko kung ano ang ugali, ang pagkilos.  From there, binuo ko na lang sa sarili ko.

      “Atlhough, so far, si Val (from Saan Nagtatago ang Pag-ibig?) pa rin,  medyo mahirap talaga yun physically and mentallly, kaya sobrang challenging din ‘yun.”

For the first time, makakasama niya ang asawa at co-endorser din sa Beautederm na si Gydel Mercado.

      “Isa si Glydel sa naging biktima ko,” sagot ni Tonton.

      “Actually, bago ko tinanggap ang AMiR, dahil marami akong ginagawa, meron akong dalawang films at may soap opera pa, kaya noong una, sabi ko, parang hindi ko kakayanin.

      “But, kinuwento ni Glydel yun story sa akin, since nabasa na niya.  Sabi ko, maganda naman pala, saka may awareness since advocacy film ito.

      “Kaya maganda palang gawin, kasi at the same time makakatulong to spread about   narcissism and to be aware.  Yun ang nag-convince sa akin na sige, gagawin ko ang AMiR.

      “Kaya lang medyo nahirapan talaga ako sa scheduling, kaya gusto kong magpasalamat kay Cris (Villonco) at sa buong cast, lalo na noong first day na wala akong tulog, tapos nahihirapan akong mag-memorize lines ko, kaya thankful ako sa kanila for being patient to me.”

tonton glydel

Ipinagmamalaki ni Anon na ang kanyang story ay makakatulong sa mga nabiktima at may naturang sakit na dapat binibigyang pansin ng bawat pamilya.

Kaya ang AMiR ay, “sabi ko kay direk, this is not a love story or a rape case or abuse story,” sabi ni Anon.

“Meron tayong kailangang mai-deliver.  Napaka-sensitive nito, some of the characters in the story, including myself are real people.

      “Ang importante kasi ay makita nila ang iba’t-ibang anggulo at iba’t-ibang situations. 

      “Hindi lang ito melo-dramatic lang, may clinical side din and guided din naman kami.  Hindi lang namin mailagay lahat sa pelikula dahil hanggang 1 hour to 45 minutes.

“But we are hoping, if we           succeed, we might get this into a series sa cable channel, so we can educate further, marami pang              secrets kaming mari-reveal.”

Dagdag pa niya, “ang audience ng film, hindi talaga pwede sa mga bata but the advocacy is to create awareness about emotional and mental health state of our children.

      “Kasi doon nagsisimula ang narcissism.   Mas mahirap gamutin yung matanda na and I know marami ang makaka-relate sa movie na AMiR na hopefully, marami ang makapanood sa mga block screenings na aming pinaplano.”

Bukod kina Tonton, Cris at Glydel, kasama rin sa malaking cast sina Sherilyn Reyes-Tan, Cris Villonco, Chanel dela Torre, Matthew Mendoza, Shry Valdez, Anne Feo, Arianne Bautista, at marami pang iba.

Ang AMiR ay mula sa Ruler Concepts Productions na magkaka-roon ng one time special screening sa December 5, 2019 na gaganapin sa Central Square Cinema, BGC, Taguig, with pre-screening cocktails and photo opt with AMiR talents sa ganap ng 7 PM.

Reserve your tickets by texting 09175770451 and “Discover #AMiR. His story can be yours, too.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s