DIMPLES, may ‘hamon’ para i-level up ang Kapaskuhan; certified foodie kaya masarap magluto at kumain

NI:  Rohn Romulo

HALOS isang buwan na lang at sasapit na ang pinakahihintay na Araw ng Kapaskuhan.

Kaya naman abala na ang mga tao sa pamimili ng regalo at naghahanda na rin ang mga Pinoy sa kanilang ihahanda sa tradisyunal na Noche Buena habang sinasalubong ang isa sa pinakamasayang araw ng taon.

Para sa newest brand Ambassador for CDO Premium Holiday Ham na si Dimples Romana, hinding-hindi dapat mawala ang ham sa handaan para sa Noche Buena.

“Hindi buo ang Christmas handa naming kapag wala ang CDO Premium Holiday Ham. Yung salo-salo na sama- sama kayo, magdarasal kayo, kakain kayo, parang parte na rin talaga to have that ham there.”

Bahagi na raw ito ng tradisyon na kanyang kinalakihan, na patuloy niyang ginagawa ngayong may asawa at dalawang anak na siya.

Kung titingnan ang kanyang social media accounts, mapapansin na ang kanyang pamilya, ang mga Romana at Ahmee, ay laging sama-sama tuwing Noche Buena.

“We make it a point that no matter how busy we are [to be together],” sabi ni Dimples.

DImplewhiolebody

Sa katunayan, taun-taon daw ang sinisiguro nila na may tema pa ang kanilang pagdiriwang sa Noche Buena.

“Minsan Pinoy, minsan Spanish, pero ang hindi nababago, yung CDO Premium Holiday Ham. Favorite siya no matter what theme we do for Christmas.”

Hindi rin daw masyadong mapili si Dimples pagdating sa kung anong ibibigay niya sa kanyang pamilya.

Kung siya ang papipiliin, pasok na pasok daw sa panlasa ni Dimples ang smoky flavor na may pineapple sweetness flavor ng CDO Premium Holiday Ham, na gawa sa malambot na karne mula sa pigi ng baboy, ang pinakamainam na karne para sa paggawa ng ham; at siguradong walang halong anumang extender.

Bukod pa rito, siguradong ASF-safe ito dahil ang karne ay galing sa credible meat supplier!

Para sa katulad ni Dimples na maalam sa kusina, labis niyang ikinatuwa nang malaman niyang pina-level up pa ang CDO Premium Holiday Ham dahil mas marami na itong pineapple glaze!

Sabi niya, “You don’t need to bother boiling CDO Premium Holiday Ham in pineapple juice as it has already been cooked in the sweet indulgence of pineapple.”

Kaya naman nang mag-shoot para sa commercial ng CDO Premium Holiday Ham, hindi ang pag-arte ang kinasabikan ni Dimples, na isa sa mga kinilala sa Asian Academy Creative Awards para sa role niyang Daniela sa Kadenang Ginto.

      “Siyempre, ang pinakaunang tinanong ko, meron po bang CDO Premium Holiday Ham sa TVC shoot? Ha ha ha! Naghanap talaga ‘ko.”

Dagdag pa ng aktres, na certified foodie rin, “Hindi ko alam if it’s the Kapampangan in me, bukod sa masarap akong magluto, masarap din akong kumain.

      “Iba kasi kapag ine-enjoy mo talaga. It shows how passionate you are about things. Not only for food but for life. Alam mong ine-enjoy mo ang buhay mo at kumakain ka ng gusto mong kainin at nasi-share mo sa pamilya mo.”

‘Yan si Dimples Romana. Isang premyadong aktres na ang nais lamang ay best para sa kanyang career at sa kanyang pamilya.  Bilang bagong endorser ng CDO Premium Holiday Ham, ibinahagi niya ang paraan para mag-stand out at mag-level up Noche Buena ngayong taon.

Ang CDO Premium Holiday Ham ay isang dekalidad na produktong gawa ng CDO Foodsphere, Inc. na tamang-tama para ibahagi sa pamilya at iba pang mga mahal sa buhay.

A quality that is simply the best.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s