ANGELICA, pinangarap din na makasama sa movie si BEA; happy sa journey ng kanilang friendship

NI:  Rohn Romulo

FOR the first time magsasama sa big screen ang dalawa sa most bankable stars sa bansa na sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo sa latest offering ng Star Cinema ang Unbreakable.

Makakasama nila si Richard Gutierrez na nagbabalik sa kanyang first drama film sa Star Cinena after ng isang dekada.

Ang Unbreakable ay mula sa panulat ni Vanessa Valdez at sa direksyon ni Mae Cruz Alviar, iikot ang kuwento kina Deena Yambao (Angelica) at Mariel Salvador (Bea), na mag-best friends since college, na naging saksi sa ups and downs sa kanilang buhay.

Matsa-challenge ang kanilang pagkakaibigan nang ikasal sila sa iisang pamilya.

Reunion project rin ito nina Bea, Angelica at direk Mae after ng 2006 hit series na Maging Sino Ka Man.

angelica&bea-unbreakable

Natanong sa kanilang experience na magkatabraho sa unang pagkakataon sa movie.

Sabi ni Angelica, “Siyempre masaya, pinangarap ko ito.                 Isa si Bea sa pinapanood ko na artista pag may pelikula siya at makita sa big screen kung ano na naman ginawa niya o magic na pinakita ng babaing ‘to.                     

      “Kung ano na namang talent ang pinamahagi niya. Ang sarap sarap niyang panoorin dahil magaling siyang artista, nakakapit talaga sa role niya, simula umpisa hanggang matapos.

“Kaya na-imagine ko na, paano kaya kung siya ang katrabaho ko, paano kaya maggi-gel kaming dalawa.  Kasi magkaiba kami ng style, magkaiba kami ng projects na ginagawa.

   “Pagdating naman sa pagka-kaibigan mas malalim siya, ang ganda ng story ng movie at sino pa ba yung pinaka the best na pwedeng magkuwento nito kundi yun may pinagsamahan din at may pinagdaanan in the past.

      “And wala akong ibang maisip kundi si Bea yun.  Dahil walang ibang makakapag-portray ng ganun klaseng role sa pelikulang ito.  Hindi ko ma- imagine ang sarili ko na may iba akong kausap sa movie, si Bea lang talaga.

Pahayag naman ni Bea, “Yun word na masaya, I think it’s an understatement.  Kasi para sa akin  it’s an honor, kasi sa tuwing mag-eeksena kami, yung mga ipinapakita niya, yun            ang mga nakakagulat na kung minsan nai-intimidate ako sa pag-arte niya.

“Iniisip ko na ang swerte ko naman na nakatrabaho ko na si Angelica Panganiban. I’ve always wanted to work with her.  I’ve seen most of her films.  And to be able to scenes with her, grabe, na-achieve namin na magkatrabaho kami.”

Masayang-masaya ang dalawa sa journey ng kanilang friendship at excited sila for more hanggang sa magka-family sila  at kung pwede sabay pa silang magbuntis.

May special participation naman sina Ian Veneracion, Rosanna Roces, at si Ms. Gloria Diaz. Kasama rin sa cast sina Via Antonio, PJ Endrinal, Issa Litton, Joao Constancia at Anthony Jennings.

Ang Unbreakable ay ipalalabas na sa November 27.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s