Ang Whistle Diva na si Irene Solevilla, magpe-perform sa ‘All in One for Christmas’

NI: Throy Catan

MULING magpe-perform sa isang Christmas concert ang dating Tawag ng Tanghalan contestant na si Irene Solevilla.

Panoorin si Irene live sa “All in One for Christmas” sa December 8, 2019, Sunday, 8PM sa Music Box, Timog Avenue, Quezon City.

Kilala si Irene sa kanyang kakaibang singing prowess dahil kaya niya mag-whistle na ala-Morissette. Una siyang lumabas sa telebisyon sa youth-oriented show na “Bee Happy, Go Lucky!” sa Net25 in 2018 at sa IBC13 ngayong taon.

At dahil sa natural niyang ganda, sumabak na rin siya sa beauty contest. Isa siya sa mga nanalo bilang Miss Balingasa 2019. Nakuha rin niya ang award para sa Best in Talent.

Kamakailan, sumali siya sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, at napabilib niya ang mga hurados lalo na si Ms. Zsa Zsa Padilla. Kinanta niya ang 70’s classic na Lovin’ You na inawit ni Minnie Riperton.

All in One for Christmas poster

Maliban kay Irene Solevilla, mapapanood din sina Star Music artist Janah Zaplan, dating Tawag ng Tanghalan contestant Jennelyn Gagajena, model/singer Zyryn Laguitao, theater actor/singer Carlo Mendoza, singer Clark Andrews, at dating I Can See Your Voice ‘See-nger’ na si John Arcenas with special guest Victoria Wise.

“All in One for Christmas” ay produksyon ng TJC Entertainment Productions at sa direksyon ni Throy J. Catan. Nagpapasalamat ang TJC Entertainment Productions  sa mga sponsors: Throyskie’s Peanut Butter, Above Aesthetics, Dental First, Throycath Travel and Tours Agency, and Aficionado.

Ang mga official media partners sa event na ito ay Showbiz News Intrigues and People’s Balita Showbiz.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s