ROXANNE, nagkaroon ng bagong drive sa career sa pagpanaw ng kanyang ama

NI:  Rose Garcia

NAGKAROON ng bagong drive si Roxanne Barcelo sa kanyang career sa kabila ng pagpanaw ng kanyang ama, may limang buwan na ang nakararaan.

Pakiramdam niya raw, parang ang tatay niya ang nagdidirect ng mga nangyayari sa kanya ngayon. Mula nang manalo siya sa TNT It’s Showtime at nag-trending at viral pa.

Hindi raw talaga inakala ni Roxanne na ganun ang mangyayari sa kanya, na magiging ganun kainit ang pagtanggap sa kanya ng madlang pipol.

Inamin nga ni Roxanne nang makausap namin sa mediacon ng bago niyang movie, ang Love is Love under RKB Productions na nag-give-up na siya sa singing. Kinakalimutan na raw niya ang pagkanta.

      “Si Tatay, siya talaga yung, anak, kanta ka. Yung ganun.”

roxanne-barcelo

Ang reason ni Roxanne kung bakit nag-give-up na siya dahil hindi naman daw niya talaga nagagawang kantahin ang gusto niyang songs. So ito nga yung mga kantang classic tulad nang inawit niya sa It’s Showtime.

Pero nagkaroon daw siya ng bagong drive at plano niyang mag-produce ng single. Ang single na ito na composition din ng Tatay niya at naging graduation song daw nila sa St. Paul noong High School.

Nami-miss man ang ama, nagpapasalamat daw siya dahil ang daming magagandang nangyayari sa career niya. May movie pa siya kunsaan, she played nga as a transgender woman na Love is Love ay showing na sa December 4.

May sisimulan din siyang bagong serye sa ABS-CBN kunsaan, siya ang magiging kontrabida ni Bea Alonzo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s