MARICEL, puring-puri pa rin si PIOLO at dapat tularan ng mga baguhang artista; may eerie story sa ‘The Heiress’

NI:  Rohn Romulo

HANGANG-HANGA pa rin hanggang si Diamond Star Maricel Soriano kay Piolo Pascual na nakasama niya noon sa Mila.

Ayon sa bida ng The Heiress na ihahatid ng Regal Entertainmenr, “ang palagi kong ginagawang ehemplo ay si Papa P.

“Si Piolo kasi noong ginagawa ko ang ‘Mila’, alam mo nakapaka-professional and very punctual.  He’s always on the set, nagbabasa ng script, dala-dala ang unan niya at wala siyang kinakausap.

    “Kaya sinabi ko noong panahon na ‘yun, na sana kung may mga baguhan o papasok pa lang sa pag-aartista, tularan nila ang attitude ni Piolo.”

cast of the heiress

At happy naman siya na katrabaho sina Sunshine Cruz, Janella Salvador at McCoy de Leon, na gusto niya palaging nakikita at nakakatsikahan sa set, kaya naging close sila sa isa’t-isa at naging magaan ang pagtatrabaho.

Na-o-off naman ang Diamond Star, kapag nakakarinig siya na kinatatakutan siya ng kapwa-artista lalo na yun younger generation.

    “Minsan, doon talaga ako na-o-off,” sagot niya.

“Bakit ganyan, kasi natatakot daw sa akin, eh, hindi naman ako nangangagat!

    “Ang gusto ko kasi ay maging at ease sila, mag-enjoy lang kami sa shooting at maging masaya lang kami.”

At kapag nakakaramdam na si Maricel na nai-intimidate sa na kanyang ang mga young stars, “ako na ang lumalapit sa kanila. 

    “Naiintindihan ko kasi, mga bata ‘yan, kaya ako na lang talagang lumalapit.”

Samantala, marami-rami nang nagawang horror movies si Maria at ang huli niyang nagawa ay ang T2 ten years ago at hanggang ngayon ay aminado siyang matatakutin.

At dito nga sa The Heiress habang sila’y nagso-shooting ay meron siyang eerie story na nag-experience.

the heiress1

“Nakaramdam kami sa set ng nilalang na nakikialam.  Pinapakialaman niya ang audio namin at para bang pinipigilan niya kami na matapos sa shoot.

“May isang araw kami ni Direk Frasco (Mortiz), bigla na lang sumakit ang tuhod at di makalakad ng maayos.  Sabi ko, baka tinatakot tayo ng nilalang na ito.  Gusto ko lalong maniwala sa Barang, after this experience.”

Dahil hindi nga ito napili na mapasama sa MMFF 2019, mapapanood na ito nang mas maaga dahil ipalalabas na nationwide sa November 27 at marami ay positive na mas magiging blockbuster ito sa naturang playdate.

At sa gustong maka-experience ng ‘Bahay ng Barang’, matutunghayan naman ito sa Asylum Manila hanggang November 27.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s