Camille, Ken, Rita, Pauline at Sanya, binigyan nang kani-kanilang Beautéderm ‘negosyo package’

NI:  Rohn Romulo

AYAW talagang tumigil at patuloy sa pagpalaki ng pamilya ng Beautéderm Corporation dahil nadagdagan naman ang kanilang celebrity endorsers sa opisyal na pag-partner nito sa GMA Artist Center.

Kamakailan nga ay pormal nang ni-launch ang mga Kapuso brand ambassadors na sina Camille Prats, Ken Chan, Pauline Mendoza, Rita Daniella, at Sanya Lopez.

Si Camille ay isang dramatic actress na nagbida s ailan sa mga matatagumpay na palabas ng GMA-7 gaya ng Munting Heredera, The Borrowed Wife, Second Chances, at Wish I May. Isa ring major influencer Si Camille sa mga kababaihan sapagkat isa siya sa mga hosts ng daily magazine talk show na Mars Pa More.

Isa naman si Ken Chan sa mga top leading men ng  Kapuso Network. Nagbida siya sa mga top-rating at critically acclaimed ana series gaya ng Destiny Rose, Meant To Be, My Special Tatay, at ang current primetime top-rater na One Of The Baes.

Bahagi din si Ken ng ensemble of stars na tampok sa ikalawang season ng reality competition show na The Clash.

20191109_133224[1]

Isa si Pauline Mendoza sa mga fastest rising young actresses ng network. Di matatwaran ang kanyang paganap sa Little Nanay, That’s My Amboy, at Kambal, Karibal. Bahago din si Pauline ng ensemble cast ng Love You Two kung saan nakasama niya sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

Isang accomplished singer at actress si Rita Daniella na nagbida sa madaming critically movies at top-rating TV series. Bida siya kasama si Ken Chan sa My Special Tatay at currently, isa siya sa mga hosts ng The Clash at isa sa mga main stars ng One Of The Baes. 

Sumikat ng todo si Sanya Lopez matapos niyang gampanan ang papel ni Hara Danaya sa TV remake ng Encantadia noong 2016. Katatapos lamang magbida ni Sanya sa crime drama series na Dahil Sa Pag-ibig at patuloy siya bilang isang top at strong online influencer sa digital world.

    “My Beautéderm babies are increasing at masaya at proud akong i-welcome ang aking GMA Artist Center brand ambassadors sa aming lumalaking pamilya,” sabi ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, na Presidente at CEO ng Beautéderm Corporation.

“Sina Camille, Ken, Pauline, Rita, at Sanya ay lima sa pinakamahuhusay na artists na aking nakilala and I am at awe with what they have accomplished in their individual careers. Blessed ang Beautéderm to have them onboard.”

Sa nakalipas na 10 taon, nasa forefront ang Beautéderm Corporation ng beauty and wellness industry dito sa bansa bilang isa sa mga pinaka-solid at pinaka-pinagkakatiwalaang lider nito.

Noong 2009 itinatag ni Rhea ang kumpanya sa kanyang pagnanais na i-beautéfy ang bansa “one person at a time” sa pamamagitan ng mga line of products na nagpapamalas ng pinaka-mataas na kalidad na nagbibigay ng pinaka-mabilis, pinaka-epektibo, at pinaka-sustainable na resulta.

Prioridad ng Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo sa lahat ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga plant-based sa sangkap na pinagsama-sama upang mabigay ang pangako nitong di lamang pisikal na kagandahan ngunit sa bawat loyal user nito ngunit mas magandang buhay din para sa mga resellers at distributors nito.

Bilang isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands sa ilalim ng Beautéderm ay ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang Reverie by Beautéderm Home na kinabibilangan ng room at linen sprays at pati na rin ng mga scented soy candles; at ang perfume collection ng Beautéderm na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men at pati narin ang mga bagong produkto gaya ng Beauté Balm, Au Revoir Skin Soothing Oil, at Cristaux Gold Elixir Serum – na lahat ay pawang top-selling products sa merkado ngayon.

Sa ngayon, mayroong humigit sa isang libong resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ito ng mga produkto araw araw dito at sa abroad sa tulong ng isa sa pinakatanyag na shipping company sa bansa.

Mayroon ding physical stores sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas ang Beautéderm at isa sa Singapore; at mayroong halos 40 brand ambassadors ang kumpanya na kinabibilnagan ng mga aktor at aktres, mga TV personalities, mga mangaawit, mga beauty queens, mga pulitiko, mga comedians, at mga social media influencers.

At bilang mga bagong celebrity endorsers, niregaluhan ni Ms. Rhea sina Camille, Ken, Rita, Pauline at Sanya na kani-kanilang ‘negosyo package’ na ilalagay sa mapipili nilang malls, kaya opisyal na rin silang negosyante at sana’y mapalago nila ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s