BIANCA, balitang muntik nang masagasaan si RURU sa sobrang selos kay JASMINE

NI: Rose Garcia

MATINDING selos nga ba ang dahilan kaya muntik na raw masagasaan ni Bianca Umali si Ruru Madrid nang bigla nitong tabigin si Ruru at pinaharurot ang minamanehong sasakyan.

Nakita pa namin si Bianca before the premiere night. Iinterbyuhin nga sana namin pero hindi pina-interview ng staff ng APT Entertainment, ang isa sa producer ng Cara X Jagger.

Ang totoo, nagulat kami na dumating sa premiere night si Bianca. Lalo pa nga’t iwas na iwas silang dalawa ni Ruru na ma-link o pag-usapan, yet, umapir sa premiere.

cara_x_jagger

Eh, ang siste raw, matagal ng pinagseselosan ni Bianca si Jasmine Curtis-Smith, kesehodang ilang taon na ang relasyon nito sa non-showbiz boyfriend dahil very vocal si Ruru sa pagsasabing crush niya ang dalaga.

Naunang lumabas ng sinehan si Bianca, pero diumano, mukhang naghintay raw yata sa parking lot at lumapit pa sa kotse ni Ruru para malaman kung sino ang kasama. At nakitang nandoon sa likod si Jasmine at iba pa. Pero ang katabi raw ni Ruru ay ang director nila na si Ice Idanan.

Reliable ang source namin na ang chika pa, may tampuhan na raw sina Ruru at Bianca bago pa ang premiere night kaya raw siguro naging ganoon ka- “intense” ang emosyon ni Bianca.       May kutob kaming may mga “in-between” sa mga pangyayari. Artista rin si Bianca, ang babaw naman yata kung dahil lang sa kissing scene, mga kilig scenes nina Ruru at Jasmine kaya siya nagselos at nagpaka-intense ng emotion ha.

cara_x_jagger1

Naisip tuloy namin, ang hindi ba pagkaka-mention ni Bianca sa thank you speech ni Ruru before the start of the premiere ang dahilan? Na ang sabi lang ni Ruru, “salamat, alam niyo na kung sino kayo, huh”

Hindi ba inaya ni Ruru si Bianca sa after party ng premiere na ginanap sa isang restaurant daw sa Greenhills?    Anyway, curious kami ngayon kung gagawan ba ito ng damage control ng management for Bianca.

Naku ha, hindi nakaka-healthy ang relasyon ‘pag ganito, ‘no!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s