Angelica, nasita ng pulis at pinaalis nang mag-pose sa ‘Spanish Steps’ sa Rome

NI: Nora V. Calderon

NAGBABAKASYON ngayon sa Rome si Kapamilya actress Angelica Panganiban with some friends, at sa pamamasyal nila sa isang lugar doon, ang pamosong Spanish Steps na nag-pose siyang nakaupo doon, nasita siya ng pulis at pinaalis.

Emote ni Angelica sa kanyang Instagram wall na @iamangelicap: For almost 28 years, I have been infront of the audience.  Naramdaman ko pano mahusgahan.  Paano panoorin ang bawat galaw mo.  Paano, magsalita, lumaban, para sa sarili mo.  Sa pag-upo ko sa Spanish Steps… nahusgahan ako… bawal pala umupo dito.  Sorry na po mga pulis – at least, naka isa.

Maraming tagaroon na mga kababayan natin ang nag-comment.  May nagtaka bakit daw bawal magpa-picture, may nagsabi naman na matagal na raw bawal doon, o kahit saang lugar sa Rome.

Sabi ni @noelescondo: bawal umupo, sana humiga ka na, na sinagot ni Angelica na @noelescondo: di ba, pahiga na posing ko? Dyan ako nasita.  Sinisita nila lahat.  Kahit sa Trevi, bawal na umupo.

May mga nagpayo naman kay Angelica na, “ingat sa pag-upo kung saan-saan, Angge!” 

Kaya raw pala wala nang tao, dati raw super dami pumupunta roon.

Say naman ni @pinkay720: Halaaa idol, may multa na dyan kapag umupo.  Ingat po.

Marami namang nag-i-invite kay Angelica na pumasyal sa ibang lugar sa Rome.  Nasa Rome si Angelica dahil doon siya nag-celebrate ng 33rd birthday niya ngayong Monday, November 4.

Ayan, may advice na sa inyo si Angelica, iyong mga may balak magpunta ng Rome, tandaan ninyo, bawal maupo kung saan-saan doon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s