KID, pinupuri at nakikipagsabayan na sa pag-arte; bidang-bidang na sa ‘Two Love You’

NI:  Rohn Romulo

INTRODUCING sa Two Love You si Kid Yambao na unang nakilala bilang isa sa member ng Hashtags, ang dance group at kilig ambassadors ng It’s Showbiz at napapanood din sa  Pamilya Ko bilang isa sa anak nina Joey Marquez at Sylvia Sanchez.

Bidang-bida na nga si Kid na isa sa talent ni Ogie Diaz na producer din ng movie na kung saan makakatambal niya si Yen Santos na mahusay ding aktres na tumatak sa teleseryeng Halik ng ABS-CBN at komedyanteng si Lassy Marquez.

Gaganap namang sidekick si Lassy si MC Muah at makikigulo rin sina Arlene Muhlach, Dyosa Pockoh at Marissa Sanchez.

tly-lassy, yen & kid

Kahit first movie ito ni Kid, naka-deliver naman ang Hashtag member at hindi talaga nagpahuli dahil nakipagsabayan siya sa mga kaeksena, lalo ang sa mga beteranong artista tulad ni Arlene, kaya hindi nagkamali ang kanyang manager na bigyan siya ng launching movie.

Pinuri rin siya nina Yen, Lassy at MC at lumabas na mahal na mahal ito ng kamera, dahil ang guwapo niya sa pelikula.  Maging si Direk Benedict Mique ay approve din sa look ni Kid, na magugustuhan talaga ng babae at lalaki, na nangyari sa pelikula.

      “Siyempre kinakabahan ako, na masaya at may takot nang sabihan ako ni Mama Ogie,” sagot ni Kid nang tanungin na bida na siya sa movie.

“Natutuwa naman ako sa sinasabi ng mga kasama ko sa pelikula, lalo na kay Direk Benedict at kay Mama Ogie,” dagdag pa niya

Kahit nga sa seryeng Pamilya Ko, kahit na baguhan siya kumpara sa mga ibang anak na gumaganap, pinupuri rin siya ni Sylvia dahil nakakasabay din ito sa mga boys na sina JM de Guzman, Kiko Estrada at Jairus Aquino.

tly-ogie & direk benedict

      “Si Nanay Sylvia kasi parang siyang yung nagtuturo sa akin.  Pag sinasabi ko na, ‘ma, kinakabahan ako, ma, hindi ko alam ang gagawin ko.’

      “Titingnan lang niya ako, sasabihin niyang tingnan ko lang siya.  Tapos kakausapin niya ako, na dapat ganito ang ginawa ko.

      “Parang ang sarap sa feeling na habang nagta-trabaho ka, tinuturuan ka rin ng kasama mo.

      “Saka sobrang nanay niya, kasi sobrang dami ng pakain lagi, lalo pag everyday kaming nagti-taping, kaya nakakatuwa,” masayang pahayag pa ni Kid na sobrang mamahalin sa movie.

Tiyak na maraming makaka-relate sa Two Love You lalo na ang LGBT community.  Ang pag-ibig ay walang pinipiling edad o kasarian para lumigaya at magmahal.  Mapapanood ang kakaibang set-up ng iba’t-ibang klase ng relasyon.

Mula ito sa direksyon ni Benedict Mique na nag-direk din ng ML nina Eddie Garcia at Tony Labrusca, sa panulat nina Benedict, Carlo Ventura at Ogie Diaz.

Ang Two Love You ay produced ng OgieD Productions, Inc. at Lonewolf Films na ire-release ng Viva Films at mapapanood na sa November 13.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s