Cong. Yul, pinamunuan ang ‘Flores Para Los Muertos’ Mural Painting Activity; kasama rin sa ‘Food Lore’ para sa HBO-Asia

NI: Rohn Romulo

SI Congressman John Marvin C. Nieto, o mas kilala sa kanyang screen name na Yul Servo, ay marami nang napagtagumpayan magmula noong siya ay naluklok bilang Konsehal ng ikatlong distrito hanggang sa siya ay maupo bilang Kongresista nito.

Sa unang 101 na araw niya sa kanyang ikalawang termino bilang Kinatawan sa Kamara, nakagawa rin siya ng 101 na panukalang batas na, tulad ng kanyang adbokasiya, ay naglalayong mai-angat ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino.

Sa kabila nito, hindi niya nakaligtaang bumaba sa kanyang mga ka-distrito upang maghatid ng mga projekto at tulong para sa mga Manilenyong higit na nangangailangan.

Bukod sa mga proyektong naglalayong mabigyan ng ginhawa ang kanyang mga ka-dirstrito sa kanyang munting paraan tulad ng skills training sa tulong ng TESDA, Tulong Panghanapbuhay Para sa Displaced (TUPAD) Workers, Angat Pangkabuhayan Program, at Government Internship Program kung saan kaagapay natin ang DOLE, nagsasagawa rin ng mga proyektong pang-inprastruktura upang mapaganda lalo ang ikatlong distrito.

Kabilang rito ang Baranggay Infrastructure Program (BIP) at ang Local Infrastructure Program (LIP), kung saan pinopondohan ng ating Gobyerno, sa pamamagitan ng buwis na ibinibigay ng bawat Pilipino, ang mga pagpapagawa ng mga Barangay Multi-purpose Buildings, mga day care centers, mga basketball court, at iba pa.

Kasama sa mga proyektong pinagmamalaki ng ating Kinatawan ay ang pagpapatayo ng Presinto Tres pati na rin ang bagong Land and Transportation Office (LTO), na parehong matatagpuan sa Tayuman.

Hangarin ni Congressman Yul na maging isang lider na nalalapitan ng mga tao anumang panahon, hindi lamang tuwing may sakuna.  Pinapamalas niya ang kaniyang  pagnanais makasama ang kaniyang mga ka-distrito sa mga programa tulad ng Palarong Pinoy Fiesta Caravan para naman sa mga kabataan na nais makaranas ng traditional na laro tulad ng pala-sebo.

Tuwing summer naman, mayroong programa si Congressman na pinamagatang Summer Saya na kung saan dinadala ang mala-resort vacation sa mga barangay kaakibat ng mga aktibidad at libreng palamig para sa maiinit na panahon.

yul servo1

Tuwing Oktubre, mayroong Guro Ko, Hero Ko – Pampering Day, isang programang  na para sa mga elementary at high school na guro kung saan makakatanggap sila iba’t-ibang serbisyo.   May incentives din tulad ng allowances para sa mga top ten na honor graduates sa mga pampublikong paaralan sa distrito.

Sa mga malalaking proyekto para sa distrito, ang pinaka-nais ni Congressman Nieto na ipatuloy ay ang Lingap Buhay Program  na tumutulong sa mga nangangailan na naka-confine sa mga national at local na ospital lalo na yung mayroong malulubhang sakit na nangailangan ng tulong pinansyal para sa treatment, laboratory exam, at mga gamot.  Isa lamang ito sa maraming programa ni Congressman para sa distrito. Mayroon din:

‘Araw N’yo, Serbisyo Ko! Todo Na Ito’ – isang programa na may 17 services na kasama ang medical, dental, atbp.

‘Yul Now Serving: Lusog-Busog Meal’ – isang programang  para sa mga bata na kung saan sila ay makakatanggap ng masustansyang sopas and ensaymada na may mga kaakibat na aktibidad rin para sa kanila.

‘Araw Ko, Alay Ko’ – isang programa tuwing pebrero na naghahatid ng libreng pagkain para sa mga walang pambili, at pagbisita siya sa mga bata sa ospital para sila ay mapaligaya. Ito ay sinusundan ng Kasalang Bayan at Binyagang Bayan

‘Operation Tuli’ – Isang programa para sa mga lalaki na nais magpatuli. Makakatanggap din sila ng mga libreng gamot.

‘Quick Response Operation’ – Isang programang para sa mga nangangailangan ng emergency care, pagkain, tulong pinansyal, at mga relief goods.

Tuwing Biyernes, patuloy pa rin ang Nieto’s Day kung saan makakuha ng mga wheelchairs, nebulizers, crutches, walking canes, hearing aids, at oxygen tanks.

yul servo

Sa kanyang ikalawang termino, nakapaghain siya ng 101 na House Bills sa loob rin ng kanyang unang 101 na araw. Ang mga panukalang batas na ito, para kay Cong. Nieto, ay repleksyon ng kanyang mga adbokasiya sa larangan ng Arts and Culture, Health, Poverty Alleviation, at National Development. Hindi nagbago ang kanyang mga adbokasiya magmula ng siya’y nagsimulang maglingkod sa bayan.

Sa halip, mas nagdagdagan pa ang mga ito lalo nang siya’y maluklok bilang Vice Chairman ng House Committee on Housing and Urban Development. Ayon sa kanya, mas makatutulong ito sa mga Manilenyong kanyang pinagsisilbihan, lalo’t ang Siyudad ng Maynila ay isang Highly Urbanized City.

“Naglilingkod, Anumang Panahon” at “Lingkod Bayan” ang mga katagang kanyang panghahawakan hangga’t siyang may pagkakataong paglingkuran ang bayan. Hindi rin niya nakakalimutan ang kanyang pinagmulan bilang isang artista—patuloy siyang lumalahok sa mga proyektong may kontribusyon sa larangang ito.

Sa katunayan, kasapi siya sa Food Lore, isang pelikula ni Direktor Erik Matti para sa HBO-Asia, kung saan tinatalakay ang iba’t ibang cuisine sa Asya.

Bilang dagdag, pinamunuan rin ni Cong. Nieto ang ‘Flores Para Los Muertos Mural Painting Activity’, kaagapay ang Davies Paints Philippines Inc. at Pinto Art Museum kung saan nagpinta ng mural ang higit sa 300 na pintor sa kahabaan ng Manila North Cemetery bilang alay sa mga taong dadagsa ngayong undas para sa kanilang mga minamahal na yumao.

Sa makatuwid, ang mga kasalukuyan at parating pang mga proyekto ni Cong. Nieto ay talaga namang kaabang-abang, lalo para sa mga Batang Maynila.

Dahil sa suporta ng mga Manilenyo, at ang pagkaluklok ng buong Asenso Manileño sa ikatlong distrito, mas mapaiigting ng tanggapan ni Cong. Yul Servo ang pagseserbisyo sa mga Pilipino, anumang panahon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s