ARJO, bilib na bilib sa kahusayan ni MAINE sa pag-arte; gustong makatambal sa pelikula

NI:  Rohn Romulo

INAMIN ni Arjo Atayde na ilang ulit niyang napanood ang Isa Pa, With Feelings nina Maine Mendoza at Carlo Aquino.

At magiging bias daw siya kung kung iri-rate niya si Maine, dahil bibigyan niya ito ng ’10’ dahil na-develop na talaga ang pag-arte.

Hindi lang pala magaling sa comedy si Maine, dahil kahit sa drama ay meron itong ibubuga at sa tingin ni Arjo, kung mabibigyan ito ng kakaibang pelikula ay marami pang maibibigay ang babaing pinakamamahal niya.

“I am very happy and I was very proud seeing her doing her thing.  I know, nahirapan talaga siya.

      “She really work her butt off to deliver,” masayang pahayag ni Arjo.

Arjo Atayde (2)

At dahil nga nakapag-cross na rin si Maine sa bakuran ng Kapamilya Network, posible kayang sila naman ang magkasama sa isang project na pwede rin i-co-produce ng APT Entertainment?

      “Hindi ko po alam, but I would love too,” seryoso pang sagot premyadong aktor.

Ngayong November 5, magbi-birthday si Arjo at posibleng sila ni Maine ang magkasama sa simple celebratation ng kanyang 29th birthday.

At sakto naman sa kanyang birthday month ay eere na ang Bagman 2 sa iWant na kung saan si Carlo Aquino ang main kontrabida.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s