Arjo at Maine, naging center of attraction nang pumunta sa showbiz birthday party; walang na talagang tinatago

BY: Rose Garcia

SUCCESSFUL ang ika-50th birthday celebration ni “Ateng” Rams David.   Ang tumatayong manager nina Marian Rivera, Maine Mendoza at iba pa. Siya rin ang isa sa mga boss ng Triple A at APT na ginanap sa Prime Hotel noong actual birthday niya noong Linggo, October 20.

Dumating as his request ang mga bisita niya in black or white. At tama ang sabi ng host na sa party ni Ateng, lahat ng networks, welcome. Mula sa ABS-CBN, GMA-7 at meron din mga taga-PTV4 at IBC13. So, dedma lang sa network war.

Ang daming artistang dumating, mainly are his alaga na sina Jerald Napoles with girlfriend, Kim Molina,. Gayundin ang mga SPS family like Ruru Madrid who came with rumored girlfriend, Bianca Umali at Kyline Alcantara. Nandoon din si Sheryl Cruz, Baste at iba pa.

Pero siyempre, pinaka-center of attraction ang pagdating ng ArMaine or nina Arjo Atayde at Maine Mendoza na magkasama mula pagdating hanggang sa makaalis na sumakay sa isang sasakyan, with matching holding hands.

rose rams maine & arjo1

Pinasalamatan ni Rams ang mga ito, gayundin si Arjo.

Obvious na obviuos, walang itinatago at walang intensiyon na itago ng dalawa kung anong relasyon meron sila. Kaya takang-taka lang kami sa mga “delusional” fans pa rin daw ng AlDub na nagsasabing “fake” lang ang ArMaine at ang totoo, sina Maine at Alden Richards pa rin.

Ewan kung mga nanaginip lang ba at sinasadyang hindi magising. Nang i-upload namin ang video ng pagdating ng dalawa sa pamamagitan ng aming You Tube channel na Rose GarciaFab, aba, eh, ang dami pa rin ayaw maniwala.

Hindi rin nawawala ang nagagalit kay Arjo at tinatawag ito ng kung ano-ano. May galit din kay Maine dahil ayon dito, binalewala na raw si Alden, huh!

Pero in fairness, meron din naman na sumusuporta sa dalawa. Sey pa niya, “Move on na, just support Alden and Maine sa mga projects nila.”

Naku, be happy na lang for them, ‘no!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s