‘Singer’ ng ‘I Can See Your Voice’ na si John Arcenas, may concert sa Music Box sa October 20

BY: Throy Catan

NOONG pa lang ay kinahiligan na ni John Arcenas ang pagkanta. Nagsimula siyang kumanta noong 2 and a half years old. Unang nagturong kumanta si John ng kanyang mga magulang. Eventually, nag-attend ng mga voice lessons. Nag-attend din siya sa GMA singing lesson at nag-mini-concert sa Ratsky sa Morato noong 8 years old pa siya.

Palagi kinukuhang singer si John sa mga school activities. Lumabas na rin siya sa telebisyon, at naging ‘Singer’ sa hit reality game show na “I Can See Your Voice“.

Maliban sa pagkanta, mahilig din sa sports si John tulad ng basketball, football, volleyball, at badminton. Naging football varsity player noong nasa high school siya.

Ngayon ay busy siya sa pag-aaral at kinuha ang kursong BS Architecture sa Don Bosco Technical College. Kalukuyang nasa 5th year na siya.

Kahit na busy sa school, hindi pa rin nawawala ang kanyang hilig sa pagkanta. Sa katunayan, meron siyang upcoming concert na pinamagatang Young Divas & I na gaganapin sa Music Box sa Timog, Quezon City sa Linggo, October 20.

Young Divas and I final

Pagkakataon niyo nang mapanood siya live kasama ang mga young divas na sina Irene Solevilla, Mara Aragon, at Jennelyn Gagajena; at ang bagong young heartthrob at singer/actor na si Carlo Mendoza. Kasama rin sina Zyryn Laguitao, Blue Lopez, Julie Daynata, Kassie Ortega, at actress Ara Altamira.

Ang Young Divas & I ay produksyon ng TJC Entertainment productions and directed by Throy J. Catan. Special thanks to the sponsors: Throyskie’s Peanut Butter, Above
Aesthetics, Dental First, Throycath Travel and Tours Agency, Aficionado, at RIJ Events and Talents Management.

This event’s official media partners are Showbiz News Intrigues and People’s Balita Showbiz.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s