MAINE, inamin napakalaking bahagi ng kaligayahan niya si ARJO; mas pogi kumpara kina CARLO at ALDEN

NI: Rohn Romulo

LAST Monday naganap na nga ang first-ever interview ni Maine Mendoza kay King of Talk Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda.

Part ito ng promo nila ni Carlo Aquino para Isa Pa, with Feelings ng Black Sheep at APT Entertainment na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa October 16.

Nag-tweet pa si Maine bago ipalabas ang interview sa kanilang ni Carlo na, “Surreal! Never thought I’d have the opportunity to be here — EVER! Achievement unlocked maexperience ang fast talk ni Tito Boy aaaaahhhhh mamayang gabi na to, guys! #chocolates lol.”

carlo and maine

Dahil nakilala si Kuya Boy sa pagtatanong ng daring and personal questions, nagpaalam muna ang host kina Carlo at Maine na pwede silang sagutin o hindi, kaya hindi sila nakaligtas tungkol sa usaping pakikipagrelasyon.

Kaya natanong si Maine tungkol sa kanyang relasyon sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Ang kaisa-isang tanong ni Kuya Boy, “Gaano kalaking bahagi ng kaligayahan mo si Arjo?”

Napangiti muna si Maine bago niya ito sinagot nang, “napakalaking bahagi po.”

Inamin naman ng host na masayang-masaya siya na finally ay nakarating na si Maine sa kanyang show dahil taga-GMA 7 nga ang aktres.

Marami pang pasabog na sagot si Maine sa segment na ‘Fast Talk’.  Pinili na ang mestiso kesa sa moreno.

maine-twba

Sino ang pinaka-pogi kina Carlo, Alden at Arjo, sinagot naman siyempre si Arjo.

Hindi naman niya nasagot ang sexiest part of the body ni Arjo, kaya sinabi na lang niya na, “too many to mention.”

Ang pinagkapasabog na question ni Kuya Boy, “Last night of the world, Arjo proposes to you, ano ang isasagot ang isasagot mo sa kanya?”

Walang kaabog-abog na, ‘yes’ ang sagot niya.

Ni-refuse naman niyang sagutin ang notorious question na ‘sex or chocolates?’ na nirespeto naman ng King of Talk.

Sa naging rebelasyon ni Maine tungkol kay Arjo, malinaw na malinaw na ang kanilang lalong gumagandang relasyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s