YENG, aminadong apektado pa rin sa pamba-bash kaya minabuting magpahinga muna sa social media

NI: Rohn Romulo

SA naging panayam kay Yeng Constantino sa launch ng TBA Studios sa newest offering na Write About Love,  na kung saan isa siya sa bida, sinabi nito na patuloy sila sa pagmo-move on ng kanyang mister na si Yan Asuncion sa pangyayari sa Siargao.

“After the Siargao accident, mas nag-pursue siya ng healthier na lifestyle. Parang sabi niya, ‘ang short ng life,’ so parang gusto niya mag-marathon siya. First, nag-10 kilometer run siya sa UP and then sa Mall of Asia tumakbo siya ng 21 kilometers, first time niya ever. So nakakatuwa naman to see him flourishing,” sabi ni Yeng.

Hindi nga inakala ni Yeng na mararanasan niya ang naging pambabatikos sa social media na kung saan bumuhos ang iba’t ibang komento sa naging vlog niya matapos niyang ibahagi ang hindi magandang karanasan ng mister sa isang ospital sa Siargao.

Yeng-Yan

“It’s my first time to be bashed that much, so na-culture shock ako. Pero sobrang hilig ko sa social media. After what happened to me, sobra akong na-homesick rin kasi nami-miss ko na ang social media pero I decided to stop for a while,” sagot niya.

“Minsan kasi akala mo, kaya mo. Pero I just wanna be honest kasi hindi ko pala kaya ‘yun.”

Dahil sa nangyari parang na-trauma na siya sa social media, “‘pag nakakakita ako ng YouTube logo, minsan kinakabahan ako e. Kinakabahan ako ‘pag nakakakita ako ng Twitter logo.

“Sinabi ko ‘yun sa psychologist sa ‘Magandang Buhay,’ ‘Alam niyo po ‘pag nakakakita ako ng logo ng YouTube, Twitter at Facebook, kinakabahan ako.’ Sabi niya, ‘Maganda ‘yan ginagawa mo na nagpapahinga ka, kasi nagulat ka e,'” pahayag pa niya.

“Matagal na po ako sa industry. It’s been 12 years and at times you feel like you’re so strong. ‘Pag isa-isang bash, wala kang reaction, pero ‘pag dumating pala, parang, what? Bulto talaga, so parang hindi mo alam anong gagawin mo. So you’re being vulnerable siguro. I really felt so sad and also shocked. Social media is really powerful.”

IMAGE

Samantala, masaya naman si Yeng na muli siyang naka-arte sa Write About Love  na kung saan makakatambal niya si Joem Bascon, kasama rin nila sa movie si Miles Ocampo at ang Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Ang movie ay co-written and directed by Crisanto B. Aquino na kanyang directorial debut, ang maglalapat naman ng musika ay si Jerrold Tarog.

Bago siya naging direktor ng Write About Love, Aquino is known for being the country’s most sought after 1st Assistant Director at nakatrabaho na niya sina Chito Roño, Olivia Lamasan, Rory Quintos, Laurice Guillen, Cathy Garcia-Molina at Jerrold Tarog.

Ang Write About Love ay produced by Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment and Artikulo Uno Productions.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s