PIOLO, excited at gustong makapareha isa man kina KATHRYN, LIZA at NADINE, muling tatakbo sa ‘SunPIOLOgyXOne’

NI: Rose Garcia

MUKHANG may concept si Piolo Pascual sakali at gumawa siya ng movie na ang leading lady ay the likes of Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Nadine Lustre.

Pero ayaw magbanggit ni Piolo ng partikular na pangalan.

Sey pa niya, “Sa totoo lang, gusto ko silang makaparehang lahat. Kung papalarin, kung mamarapatin, all of them, kung sino ang puwedeng mabigyan ng tsansa na makatrabaho.

      “I’m excited to just work with anyone.”

Kung may uunahin siya, sino sa kanila?

      “Ginagawa ko yung kay Alessandra (de Rossi), we’re done next week. I might be able to cut my hair,” at saka natatawang sabi rin niya, “hindi nakapagsalita, ha ha!

file8

      “So tingnan natin,” sey na lang niya.

Sa isang banda, tatakbo muli si Piolo, nasa 11th year na ito at ang theme ngayon, “SunPIOLOgyXOne” na magpi-feature ng Sun Life Virtual Run, Sun Life Cycle PH at Sun Life Resolution Run.

At si Piolo, sinabi niya na importante raw na mag-train bago talaga sumabak sa actual run.

      “What I do, three months before the race, I plan the training program. Kasi, I don’t just bike, I also run. It’s important to train para hindi ka ma-injure and have a better time.

      “I’ve been doing it for several years and I make sure to train. It’s good because I also get quality time alone during training.”

At dahil tatlo ang puwedeng pagpilian for the run, puwedeng makita ang lahat ng details and how to register sa www.sunpiology.com at ang actual run ay sa January 18, 2020 at Camp Aguinaldo, Quezon City.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s