JASMINE, aminadong nag-enjoy kay RURU pero deadma lang sa ‘abs’

NI:  Rohn Romulo

AMINADONG nag-enjoy si Jasmine Curtis na maging ka-partner si Ruru Madrid sa kanyang very first leading role in a mainstream movie na produced ng APT Entertainment at Cignal Entertainment, ang upcoming romantic drama na Cara X Jagger.

Sa teaser ng movie na dinirek ng acclaimed cinematrographer na si Ice Idanan, ramdam na ramdam na agad ang kanilang chemistry, bagay na ipinagpapasalamat ng award-winning actress.

Alam din niyang may crush sa kanya si Ruru.

Sabi ni Jasmine, “Thank you for the admiration, but more than that, natutuwa ako naka-work si Ruru kasi kung gaano ako ka-invested sa pagganap bilang Cara, siya rin bilang Jagger, gusto niyang mapantayan ‘yun.

“And nakikita ko kung paano siya makipag-usap kay Direk Ice Idanan, kung paano bawat take ng eksena namin, gusto niya ma-perfect.

      “May mga ibang eksena na hanggang ngayon, gusto pa rin niya ulitin, kasi hindi pa rin siya happy.

ruru & jasmine1

“Sa mga ganoong bagay, nakikita ko yung dedication niya and it makes me feel happy na ganoon yung nakakatrabaho ko na artista.

      “Pare-pareho kaming may one hundred percent investment dito, so it’s nice at hindi siya parang dagdag lang sa mga nagawa kong trabaho.”

Balewala lang naman kay Jasmine na may crush sa kanya si Ruru, nagpapasalamat na siya sa ka-partner sa Cara X Jagger na mapapanood sa November 6 in cinemas nationwide.

“Thank you. Parang ganoon lang. Siyempre, I’m very much happy with where I am in my life and my relationship, and so when it comes to him, it’s really just the friendship and masaya siyang friendship kasi nababara ko siya.

      “He’s younger than me, he’s 21, I’m 25. Four years lang naman ang agwat namin. Pero with that, at least, yung fundamental ng friendship namin, maayos saka masaya. Good vibes lang palagi.”

Natanong si Jasmine kung kinikilig ba siya sa Kapuso hunk, “sa characters namin, oo. Siyempre, kailangan, in character ka kapag nasa set ka.”

ruru & jasmine

May nararamdaman ba siya kapag nakahubad sa harap niya si Ruru?

      “My God, ‘no, ang dami ko nang nakita na mga abs!,” mabilis niyang tugon.

      “Hindi na ako ginaganahan sa mga abs, wala na sa akin ‘yan.”

Sa husay niya sa pag-arte, parang nasapawan niya ang young actor, hindi kaya na-intimidate si Ruru?

      “Na-over power ko ba siya? Tototo naman,” pagbibiro niya.

      “Pero hindi, hindi naman siya intimidated sa akin.  Hindi ko naman naramdaman, I felt naman na pantay kami.

“I think, it’s important na maramdaman namin ang chemistry as actors, kasi ‘yun ang magpapatawid kung ano man yun facial expressions at body language namin.”

Sa movie, gagampanan ni Ruru ang karakter ni Jagger na isang lalaking wala nang maalala sa kanyang past. Ang tanging naaalala sa kanyang isipan ay ang pangalan ni Cara (Jasmine) kaya ipahahanap siya ng pamilya para makatulong sa pagbalik ng memory nito.

Bukod sa Cara X Jagger, magsasama rin sina Jasmine at Ruru sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Kasama rin si Jasmine cast ng highly anticipated Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun na kung saan makakasama niya sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino. 

Sa pagbabalik ni Dingdong mula sa Berlin, Germany, malamang na i-announce na kung sino ang magiging leading lady, na kahit siya ay wala rin masabi bukod sa airing nito na malamang sa February 2020.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s