MAINE, umaming pinangarap na maging leading man si CARLO; puring-puri naman siya ng aktor

NI: Rose Garcia

OBVIOUS na parang kumportable na sa isa’t isa sina Carlo Aquino at Maine Mendoza.
Walang duda na may nabuong friendship sa kanila during the shooting ng movie nila na Isa Pa, With Feelings.

Sa trailer ay puring-puri ng entertainment press ang acting na ipinakita ni Maine at talagang nakasabay siya nang bonggang-bongga kay Carlo partikular na nga sa crying scene.

Nagpapasalamat si Maine kay Carlo dahil talagang natulungan daw siya sa mga heavy scenes nila na mata pa lang daw ng aktor ay umaarte na.
“Iba ‘yung mga mata ni Carlo Aquino. As in siya talaga ‘yung legit na nakukuha ‘yung mga co-actors niya sa mata-mata acting. Walang halong biro talaga,” sabi ni Maine.
Puring-puri naman ni Carlo si Maine dahil very transparent daw ito and very professional.

maine & carlo1

Sabi ni Carlo, “Madalang kang makakakita ng ganu’n sa industriya. Kung ano ‘yung nararamdaman niya, kung paano siya nun’g araw na ‘yun. Totoo siya. ‘Yun ‘yung isa sa mga tine-treasure ko.”

Sa presscon ay inamin ni Maine na pinangarap niyang maging leading man si Carlo simula nang mapanood niya ito sa pelikulang Meet Me in St. Gallen with Bela Padilla.
Sobrang napahanga raw siya ni Carlo sa nasabing movie to the point na naging crush niya ito nang slight.

Showing na ang Isa Pa, With Feelings na hatid ng Black Sheep¬ at APT Entertainment ngayong October 16 na mula sa direksyon ni Prime Cruz.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s