JANINE, second year nang nag-birthday na kasama si RAYVER; wish ng fans na umamin na

NI: Nora V. Calderon

TIME out muna sa busy schedules nila sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz na kasalukuyang nasa Paris ngayon.

Sinamahan ni Rayver si Janine na naimbitahan para sa Paris Fashion Week.  Nauna rito, nag-muse muna si Janine sa mga Kapuso stars na naglaro ng basketball sa ‘Summer Kapuso Festival: Palarong Pinoy 2019’ sa Al Quwain, United Arab Emirates.

Bago tumuloy ng Paris, nag-tour muna sina Janine at Rayver sa Rome, sa Vatican, at sa iba’t ibang lugar doon.  Hindi pa rin nagpo-post ng photo na magkasama ang dalawa.  Kahit iisa ang lugar na pinuntahan nila, solo-solo pa rin ang post nila, like sa Colosseo in Rome, pareho lamang ang shot nila pero separate pa rin ang post.

Sa isang IG story ni Janine, sa rami ng naka-post niyang photos, na kuha ni Rayver, isa lamang iyong nakitang magkasama sila, pero magkahiwalay pa rin ang post.

janine rayver1

Iyon lamang ang maganda kahit may mga ginagawa silang shows, pwede naman silang mag-time out dahil taped na ang mga shows nila at nakakagawa sila ng schedule na pwede silang umalis na hindi maaapektuhan ang kani-kanilang trabaho.

Like si Rayver, may daily teleserye siya, ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko with Megan Young at Kris Bernal at every Saturday at Sunday, ay napapanood naman siya sa The Clash na sila ni Julie Anne San Jose ang mga Clash Masters pero hindi napapansin na wala sila.

Hanggang kailan kaya sila sa Paris, dahil today, October 2 ay birthday ni Janine at gusto raw sorpresahin ni Rayver si Janine. (Nag-post na si Rayver sa kanyang IG account kasama si Janine sa mismong kaarawan nito na kuha sa Paris, France.)

Kung hindi kami nagkakamali, second year na ito na magkasamang nag-celebrate ng birthday niya si Janine na kasama si Rayver.

Wish ng mga fans nila, umamin na sila sa tunay nilang relasyon, bilang birthday gift ni Janine sa kanila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s