Kara David, biyaheng Spain para sa 2nd anniversary ng Pinas Sarap

NI: Rohn Romulo

Ngayong gabi (September 19), bilang pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng “Pinas Sarap”, sisimulan ni Kara David ang pambihirang paglalakbay sa bansang may malalim na impluwensya sa ating kasaysayan, kultura, at kulinarya—ang España!

Sa unang bahagi ng 5-part 2nd Anniversary Spain Special ng programa, ipalalabas sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine TV ang pagsali sa selebrasyon ng sikat na La Tomatina Festival. Samahan si Kara makisaya sa highlight ng fiesta, ang batuhan ng kamatis!

Pinas Sarap host Kara David

Taon-taong ipinagdiriwang ng Espanya ang piyestang ito sa bayan ng Buñol para magpasalamat sa masaganang ani ng kamatis, na isa sa pangunahing sangkap sa mga lutuing Espanyol. At ang paggamit ng kamatis sa pagluluto ang isa sa pinakamalaking impluwensiya nila sa lutuing Filipino. Samahan si Kara na tikman ang isa sa mga putaheng espanyol na pinasasarap ng kamatis—ang Albondigas.

Huwag palampasin ang 2nd Anniversary Special ng Pinas Sarap, ang 5-part Spain Food Adventure na mapapanood simula ngayong Huwebes, 7:15 p.m. sa GMA News TV!

Ipalalabas sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine TV ang pagsali sa selebrasyon ng sikat na La Tomatina Festival.Samahan si Kara na tikman ang isa sa mga putaheng espanyol na pinasasarap ng kamatis—ang Albondigas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s