NI: Rose Garcia
HINDI kami nagsisi na manood ng special screening ng isa sa mga entry ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na Pagbalik.
Posible ngang isa ito sa hindi masyadong maingay among the entries, pero pagkatapos naming mapanood ang Pagbalik, wish namin na sana ay marami ang magka-interes na panoorin ito. Tatagos ang kuwento sa mga manonood at siguradong lahat ay puwedeng maka-relate.
Isa sa nagsulat at nagdirek ng pelikula ay ang bida na si Suzette Ranillo. Ikalawang pagdidirek niya ito, una ang Care Home ni Nora Aunor at ngayon na lang muli nasundan.
Nagbaka-sakali lang din si Suzette na ipasok sa PPP, hindi raw niya in-expect na mapipili to the point na nawala na sa isipan niya, kaya ganun na lang ang tuwa niya nang tawagan siya at sabihing ang Pagbalik ay isa sa mga shortlisted.
Kuwento ito ng O.F.W., pamilyang naiwan, mag-ina. At tribute nga raw niyang ito sa ina na si Ms. Gloria Sevilla.
“Masaya ko na nagawa ko siya. Talagang isa sa plano ko yun, siyempre, habang nandiyan pa na nagawa ko.”
Parang nakapag-cross na nga raw siya sa bucketlist niya nang magawa niya ang Pagbalik. Na ginawa niya rin in a black & white para mas classic ang dating.
Shot in Cebu at buong movie ay sa dialect ng Cebuano. May subtitle ito pero tulad naming hindi naman marunong mag-bisaya, parang kahit ‘di namin basahin ang subtitle ay naiintindihan pa rin.
Introducing din sa movie ang isa pang Ranillo na si Vince Ranillo.