Allen at Shayne, malakas ang laban na maging StarStruck Ultimate Male & Female Survivor

NI: Rose Garcia

MALALAMAN na kung sino ang ika-pitong StarStruck Ultimate Male & Female Survivor sa Linggo, September 15.

Sina Shayne Sava at Lexi Gonzales, Allen Ansay at Kim de Leon ang mapalad na umabot sa Final Four.     Lahat sila ay naghahangad na sila ang maging ultimate survivor pero pare-pareho ang sagot sa amin na hindi nila in-expect na aabot sila hanggang final.

Sa isang banda, masasabing sure na halos na may naghihintay ng career sa Kapuso network ang apat dahil yung hindi mananalo sa kanila ay tatanghalin namang Star Struck 1st Prince & Princess.

Nakausap namin si Kim at tinanong namin siya kung aware ba siya na madalas na comments sa kanilang boys at mababasa rin sa mga comments ng netizens.

Aware raw siya, sabi nga niya, “nako-compare po yung height and look daw po.”

starstruck final4

Nagbiro pa itong, “ouch!” Pero hindi naman daw sila nasasaktan sa mga ganung comments. Instead, challenge raw sa kanila yun na maipakita sa lahat na more than that, they have so much to offer.

May kutob naman kami na posibleng ang choice nila ang magiging loveteam nila after ng StarStruck batch 7 finale. Magkakatugma ang choices nila ng loveteam.

Sina Kim at Lexi, pinili ang isa’t-isa while Shayne and Allen naman, bet din na sila ang maging magka-loveteam.

Hint na kaya ito kung sino rin ang pair na mananalong Ultimate Male and Female survivors sa Linggo ng gabi?

Ang StarStruck season 7 ay hosted by Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes. Inside StarStruck host naman si Kyline Alcantara at mga judges na sina Jose Manalo, Heart Evangelista at Cherie Gil.

Pinaka-huling artista test na nila ngayong Sabado after ng Daddy’s Gurl at ang grand finale nga sa Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s