McCoy at Jameson, nagtagisan sa ‘G!’ at ayaw magpakabog sa pag-arte

NI: Rohn Romulo

PAREHONG nag-shine sina McCoy de Leon at Jameson Blake sa G! na nagtagisan sa pag-arte at ayaw magpakabog sa isa’t-isa.

Naging successful nga ang red carpet premiere night ng G! na ginanap last Tuesday night sa SM North EDSA Cinema 5 na hatid ng CINEKO Productions, ang nag-iisang tropa movie na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na napapanood na ngayon sa mga sinehan nationwide.

Sa movie, pag-aagawan nina McCoy at Jameson ang promisng Kapamilya youngstar na si Kira Balinger, ka-tropa nila sina Paulo Angeles at Mark Oblea, na parehong maganda ang role na maayos na na-distribute ng direktor na si Don Don Santos.

Iikot ang story kay Sam Corteza na team captain ng football team na malalamang may malaking tumor sa gallbladder matapos na mahimatay sa kanilang football game na ginagampanan ni McCoy.

Dahil siya rin ang may kaya sa grupo at pinaka-adventureous at niyaya ang tropa para na mag-road trip at tuparin ang kanyang bucket list at isa rito ang ma-experience ang first sex bago siya mamatay.

Tiyak na aabangan din ng mga fans ang pagpapakita ng butt ng G! boys na isa sa kasama sa bucket list.

g! cast (2)

Magiging masaya at maayos ang kanilang paglalakbay at pagwalwal hanggang sa makilala ni Sam si Sandy (Roxanne Barcelo) na matapos ang nakapag-iinit na eksena dahil nalasing. Pagsisimulan ng gulo ang kanilang matutuklasan na sisikaping malutas ng magkakabarkada, hanggang sa dumating ang nakakagimbal na pangyayari na hindi nila inaasahan.

Habang nagkakagulo, mari-reveal na iisa lang ang babae minamahal nina McCoy at Jameson, na tiyak na nakaka-relate sila, dahil may hawig ito at nangyayari sa totoong buhay.

Tulad sa movie, naging maayos naman ang kanilang pagkakaibigan ng dalawang G! boys kahit nali-link ngayon si Jameson kay Elisse Joson.

Sa pelikulang G! makaka-relate talaga ang mga kabataang magkaka-tropa na tiyak ding maraming matututunan sa pelikula na kung saan may special participation sina Rosanna Roces, Dominic Roque, Jao Mapa, Precious Lara Alacaraz, Moi Bien, Gio Marquez, Alora Sasam, Nick Parker, Patrick Sugui, at Joey Marquez.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s