Yasmien, paniwalang magiging masaya si President Duterte kung mapapanood ang ‘Beautiful Justice’

NI: Nora V. Calderon

ANG ganda ng aura ni Kapuso actress Yasmien Kurdi ngayong may naiiba siyang proyekto sa GMA Network, ang drama-action series na Beautiful Justice. 

Mas beauty si Yasmien ngayon kahit may asawa at 6-year old daughter na siya, ano raw ang sikreto niya?

Siguro raw ay dahil punumpuno siya ng pagmamahal mula sa asawang si Rey Soldevilla at sa anak nilang si Ayesha.

“At siguro po inspirado ako sa bago kong project, ang ‘Beautiful Justice,’” natatawang sagot ni Yasmien.

“Naiiba po kasi ang role ko, first time akong mag-aaksyon, mala-Charlie’s Angels kami nina Gabbi Garcia at Bea Binene.

“Nakaka-pressure but it really excites me at nakakanerbiyos din kasi lumabas ako sa comfort zone ko, na five years kong pinag-aktingan at pinagtrabahuhan, ang afternoon soap ko na tinangkilik naman ng mga viewers at binigyan kami ng mataas na ratings. Kailangan ko rin namang mag-explore ng ibang roles at maka-experience ng bagong time slot, sa primetime telebabad.”

 

beautiful-justice_yasmien-kurdi

Inamin ni Yasmien na nahirapan din siya sa training niya dahil bago lahat sa kanya ang ginagawa niya sa pagpapatuloy pa rin ng training kahit nagti-taping na sila.

“Parang bagong job description itong pinasukan ko, ibang-iba pero iyon ang nagpa-excite sa akin.  Alam kong kung hindi ako mahihirapan, hindi ko matututunan ang dapat kong gawin sa bawat eksena.  Kaya I’m very thankful sa GMA kasi bilang babae, maganda rin na matutunan ko ang self-defense. 

“Sa eksena, kung kaya kong hindi magpa-double, hindi ako ido-double.  Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko kung hindi ko naman kaya.  Pero kung kaya ko at safe naman, bakit hindi ko gagawin?”   

Ang Beautiful Justice na dinidirek ni Mark Reyes ay tungkol sa droga, sa tingin ba niya magugustuhan ni President Rodrigo Duterte kung mapapanood nito ang serye?

“I think magiging masaya si President Duterte, kung mapapanood niya ang serye namin.  Handog po namin ito sa bayan.” 

Mamayang gabi, September 9, huhusgahan na ang Beautiful Justice na magtatampok din kina Derrick Monasterio, Gil Cuerva, Bing Loyzaga, Valeen Montenegro, Victor Neri at marami pang iba, sa  world premiere nila sa primetime telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s