Dimples, binansagan na bilang ‘Reyna ng Daytime Teleserye’ dahil sa ‘Kadenang Ginto’

NI: Rose Garcia

ANG Kapamilya star na si Dimples Romana ang isa sa mga gumaganap na kontrabida na kinaiinisan ng mga manonood pero alam ng lahat na kabaligtaran ang pagiging kontrabida sa totoong buhay.

Isa kami sa talagang natutuwa sa lahat ng mga nangyayari sa career ni Dimples. Kung paano nakita namin ang dating 12 year old na nagsimula sa showbiz. At 18 ay nag-asawa agad pero naman, napangatawanan niya ito at for 16 years ay nakabuo siya ng isang masayang pamilya.

Nagsi-share rin si Dimples sa social media niya ng mga milestones ng pamilya nila at ang latest, yung building na na-acquire nila at pina-blessed ay 10th property na nilang mag-asawa.

Sabi nga namin, maraming nagsi-share ng kayamanan o ari-arian nila sa social media. Yung iba, nao-off ang nakakabasa dahil parang bina-brag ang dating. Si Dimples, halos lahat, happy for her at nai-inspire.

At ang pinakabagong magandang nangyari sa kanya. Dahil sa popularidad niya sa panghapong serye na Kadenang Ginto, binansagan na siya bilang “Reyna ng Daytime Teleserye.”

View this post on Instagram

So grateful for all the love! Salamat sa inyong lahat Kapamilya ❤️ Damang Dama ko ang inyong pagmamahal. For those of you who love to hate and hate to love Daniela ❤️ For those who dress up like her, speak like her and slay like her. For those of you who keep posting #OhDani memes until now. For those who made my character their party themes, costume pegs, and event inspiration, Salamat po ❤️ For seeing Dimples the actor beyond Daniela the role, thank you! For tagging me as the most loved Kontrabida of today, you have answered all my prayers. Totoo nga, the Lord will make a way ❤️ You all make my challenging job as Daniela a little lighter each time ❤️ And I would go through it over and over again, for all of you! Mahal na mahal ko kayo! And Thank you tito @mariodumaual @tvpatrolabscbn2 And thank you to my @skinmagicalmain family @ghie.pangilinan for this wonderful event where I was launched as #GandangPalaban and their official endorser for @skinmagicalmain 💚❤️

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

Obvious na overwhelmed si Dimples sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Bilang pag-acknowledge na rin sa title niya, nag-post si Dimples sa kanyang Instagram account ng pasasalamat.

Aniya, ”So grateful for all the love! Salamat sa inyong lahat Kapamilya. Damang-dama ko ang inyong pagmamahal. For those of you who love to hate and hate to love Daniela. For those who dress up like her, speak like her and slay like her. For those of you who keep posting #OhDanimemes until now. For those who made my character their party themes, costume pegs, and event inspiration, Salamat po.

“For seeing Dimples the actor beyond Daniela the role, thank you! For tagging me as the most loved Kontrabida of today, you have answered all my prayers. Totoo nga, the Lord will make a way. You all make my challenging job as Daniela a little lighter each time . And I would go through it over and over again, for all of you! Mahal na mahal ko kayo!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s