Sylvia at JM, pinalakpakan at nagpaiyak sa ‘halimaw’ na pag-arte sa ‘Pamilya Ko’

BY: Rohn Romulo

HALOS manikip ang aming dibdib sa kakaiyak sa first week nang inaabangang ng bagong teleserye na Pamilya Ko na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Arci Munoz at JM de Guzman.

Inaasahan namin na dahil dramedy ito ay medyo masasaya pang eksena ang manginibabaw at konti lang ang madadramang eksena, pero nagkamali kami.

Dahil sa first episode pa lang at ‘di pa natatagalan ang aming pagkakaupo sa celebrity screening sa Trinoma Cinema 7 noong Miyerkules at may nagpaantig na ng aming puso.

Nakaka-touch naman kasi ang graduation scene ni Persi (Jairus Aquino) na kung saan muntik nang hindi umabot ang Pamilya Mabunga na kinabibilangan nina Luz (Sylvia) at Fernan (Joey) at mga anak na sina Chico (JM), Beri (Kiko Estrada), Apol (Kid Yambao), Peachy (Maris Racal), Lemon (Kira Balinger), Cherry (Mutya Orquia), at Pongky (Raikko Mateo).

Mapapanood din sa first week ang matinding eksena ng magkapatid na Chico at Beri, na ikinagalit nang husto ng kanilang ina.

Ipapakita rin ginawang pag-atake ni Sylvia sa pagdadalamhati ng isang nawalan ng isang anak.

pamilya ko

Pero ang pinaka-highlight ng buong linggo ay ang confrontation scene nina Sylvia at JM sa ospital, na nagpaluha at pinalakpakan nang husto sa kanilang mala-halimaw na pag-arte, pareho silang napakahusay.

Tama nga ang pahayag ni Sylvia na ito nga ang pinaka-best ni JM sa mga nagawa niyang teleserye.

Mahusay din si Joey na nagda-drama at hindi pa nagko-comedy dahil sa hinaharap na problema na dala niya.

Hanggang sa mabuking siya ng anak na si JM nang sagutin ang tumatawag na si Kumpareng Loi (Irma Adlawan) na naka-relasyon ng ama sa Italy.

Nakakaloka na ang kapal ng mukha ng kabit na ama na pumunta pa ng burol ng kanyangt lolo, at maging ospital nang ma-stroke ang ama.

Kung matindi na ang ginawa ni Ibyang bilang Nanay Gloria sa The Greatest Love at nasundan pa ng Nanay Sonya sa Hanggang Saan, mukhang mas matindi pa ang pag-atake niya bilang si Nana Luz.

Napapanood na ang Pamilya Ko hapon bago mag-TV Patrol at mula ito sa direksyon ni Raymund Ocampo at bagong handog ng RSB unit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s