Marian, malabo nang maging leading lady ni Dingdong sa ‘D.O.T.S.’; magsasama na lang sa ‘Tadhana’

NI:  Rose Garcia

WALA naman daw malaking adjustment na kinailangang gawin ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ngayong balik hosting siyang muli sa GMA News & Public Affair show niyang “Tadhana.”

Since mangangak ay nag-maternity leave muna si Marian sa show.

“Hindi naman siguro sobrang adjustment. Pero siyempre, pagkatapos mong manganak, napahinga ka, tapos host again.

“Siguro, konting adjustment lang pero hindi naman sobrang nanibago. Kasi, ang tagal ko rin namang nagawa ang Tadhana. Ang mahalaga niyan, sobrang happy ako na nakabalik ako ng Tadhana kasi, na-miss ko talaga ang show na ito.”

Espesyal talaga kay Marian ang Tadhana dahil nang magpahinga ito, ang mismong Mister niya na si Dingdong Dantes ang pinakiusapan niya na pumalit muna sa kanya pansamantala.

Timing din ang pagbabalik ni Marian dahil second anniversary na ng Tadhana. At espesyal ang mga mapapanood na episode sa buong buwan ng September, tuwing Sabado, 3:15 p.m. pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Nangako rin si Marian na sigurado raw na may gagawin silang mag-asawa na magkasama sa Tadhana. Hindi lang niya masabi kung pareho ba silang aakting ni Dingdong o magdidirek muli ang huli.

dingdong-dots (2)

Nang tanungin nga namin si Marian kunsaan siya mas nae-excite sa pagsasama nila, maging director si Dingdong o maging kapareha itong muli.

Magkaiba yung pakiramdam na yun. Iba kapag nagdi-direk siya. Iba rin kapag magkasama kaming dalawa. Puwedeng both,” sabi pa niya.

After Tadhana, susunod na babalikan ni Marian for next month ay ang Sunday PinaSaya. Posible raw na magkaroon pa siya ng ibang show at most likely, by 2020 na ang teleserye.

Aminado naman si Marian na nami-miss na rin niya ang pag-arte both in television and movie. Pero sa movie, depende raw ito kay Mother Lily Monteverde since nakakontrata pa siya sa Regal.

Sa TV, gustuhin man ni Marian na pagbigyan ang request ng mga fan na siya ang maging leading lady ni Dingdong for Descendants of the Sun, mukhang malabo nga naman ito dahil una sa lahat, malayo ang location ng taping.

Pangalawa, tila nahihiyang sabi na lang niya, “Kayo naman, nakakahiya, ako ang sinasabi niyo, e, baka ang GMA, hindi pa lang nila ina-announce pero may nakuha na silang leading lady ni Dong for Descendants…”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s