‘G!’ boys McCoy, Jameson, Paulo at Mark, walang kiyemeng inamin na hindi na virgin

NI: Rohn Romulo

SA mediacon ng pelikulang G! na entry ng CINEKO Productions sa Pista ng Pelikulang Pilipino, natanong sina McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles at Mark Oblea kung virgin pa ba sila sa babae.

Dahil ‘game na game’ nga ang tatlong Hashtag members at isang mula sa Boyband PH, walang kiyeme na sinagot nila ang tanong.

Maikling sagot ni Jameson, “No!”

Tugon naman ni Mark, “Pag sinabi ko bang hindi, maniniwala kayo? Hindi na.”

“Siyempre parte ng pagiging lalaki ‘yan. No. Hindi na,” sambit naman ni Paulo.

Huling sumagot naman si Mccoy, “After marriage po sana eh. Kaso, hindi na umabot! Ha! Ha! Ha!”

Sa kanilang apat, si Paulo lang ang nagsabi na ang first experience niya ay sa same age niya, samantalang ang tatlo ay sa older woman.

Samantala, makaka-relate ang lahat sa G! lalo ang kabataan dahil sa kakaiba at nakakaintrigang kuwento ng millennial barkada movie.

Ito rin ang kuwento ng direktor na si Dondon Santos, na aminadong super fan ng coming of age movies.

G! cast

Ka-join din sa G! ang promising Kapamilya youngstar na si Kira Balinger na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa September 13.

Suportado rin sila sa movie nina Rosanna Roces, Dominic Roque, Jao Mapa, Precious Lara-Alcaraz, Roxanne Barcelo, Moi Bien, Alora Sasam, Nick Parker, Patrick Sugui, at Joey Marquez.

Tungkol ito sa isang binatang (McCoy) football player na may cancer na gustong gawin ang lahat ng mga nasa kanyang bucket list kasama ang mga kaibigan kabilang na ang magwalwal at magpakaligaya nang walang humpay at ilan dito ang road trip, skinny-dipping, magpa-tattoo, malasing at unang karanasan sa sex.

Halata naman masaya si McCoy na kasama sa movie ang kapwa Hashtags na sina Jameson at Paulo, at isama pa pa si Mark nakadagdag sa kanilang kakulitan kaya lumabas na natural na natural ang mga eksena sa pelikula na inaasahang papatok sa takilya.

Ang Cineko Productions rin ang naghatid ng Mang Kepweng Returns, Fallback, Harry & Patty, The Significant Other, at ang award-winning film na Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s