Sylvia, hangang-hanga kay JM at sa iba pang anak sa ‘Pamilya Ko’; happy na muling makatrabaho sina Joey at Rosanna

NI:  Rohn Romulo

MAY bagong hamon na naman sa mahusay at premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa pagbabalik-teleserye sa Pamilya Ko na mula sa RSB unit.

Ipalalabas na ito simula sa Setyembre 9 bago mag-TV patrol na matagal nang walang teleserye sa naturang timeslot.

Kung naantig at minahal nang husto ang pagganap niya bilang Nanay Gloria sa The Greatest Love na nasundan pa bilang Nanay Sonya sa Hanggang Saan na pinag-usapan din at naging trending topic sa social media, tiyak na kaabang-abang naman ang gagawin niyang pag-atake bilang Nanay Luz ng Mabunga family.

joey sylvia jm

Sa Pamilya Ko ay muli niyang makakasama si Joey Marquez, na gaganap na Fernan, ang kanyang asawa, na kung saan magkakaroon sila ng maraming anak.

At dahil nga ang magaling na komedyante ang kanyang katambal, asahan ang mga light moments, bukod sa matitinding pagdadaanan ng kanilang pamilya.

Happy si Ibyang na muling makatrabaho si Joey, na ilang niyang nakasama sa Regal Films noong kanilang kabataan.  That time, pareho daw silang may ka-relasyon, dahil kung wala ay baka nagka-inlaban na sila, pero malamang ay naghiwalay rin.

Anyway, first time din ni Sylvia na may other woman sa teleserye, kaya tiyak na makakaasa ang manonood sa kanilang tapatan ni Irma Adlawan na isa ring mahusay na aktres, bagay na gusto namin matunghayan.

sylvia & co

Sa naturang teleserye rin, muli niyang makakasama si Rosanna Roces na may mahalaga ring gagampanan na may connect sa kanilang pamilya.  Kaya happy sina Ibyang at Osang, na after so many years, heto at muli silang magkatrabaho.

Hindi rin na naitago ni Sylvia ang pagkabilib sa mga gumaganap na anak nila ni Joey na na pinangungunahan ni JM de Guzman, na alam naman ng lahat na nakapahusay na aktor na dalawa ang makaka-parter, sina Arci Munoz at Alyssa Muhlach.

Ayon kay Sylvia, walang nagpahuli sa iba pang miyembro ng cast na gumaganap na mga anak niya sa Pamilya Ko na mula sa direksyon ni Raymund B. Ocampo, dahil may kanyang-kanyang eksena sina Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia, Jairus Aquino, Kim Yambao, Raikko Mateo at Kiko Estrada na tiyak na tatatak at mapapaluha sa manonood.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s