Derek at Andrea, ‘di man umaamin pero kitang-kita na sa body language na may ‘something’ na

NI:  ROSE GARCIA

HINDI man umaamin pa, pero ang mga body language nina Derek Ramsay at Andrea Torres ang magkakanulo sa kanila.

Ganitong-ganito rin ang observation ng kilala namin na nakakasama silang madalas. Obvious daw na may “something” na talaga sa dalawa.

Napaka-intense at passionate pa naman ng mga scenes nila sa The Better Woman. In fairness, may kinikilig sa kanila at nababasa pa namin sa comment na “bakit di na lang totohanin?” yung role daw nila.

Eh, ‘di pa nga kaya?

Derek-Ramsay-Andrea-Torres-2

Nag-post si Andrea ng pictures niya sa Instagram at isa si Derek sa mga unang nag-like at nag-comment. Ang comment nito ay idinaan sa tatlong hearts.

Comment ng netizen, “May papuso si Mayor!”

Bago pa lang magkakilala ang dalawa ay napansin na ng source namin sa ginawa nilang summer plug. Iba na raw ang datingan ng mga ito.

At sa interview nga ni Derek, nabanggit niya ang first meeting nila at sey pa niya, kung dati raw tipong siya ang in control kapag may love scene siya sa leading lady, sa kanilang dalawa raw ni Andrea, ang huli ang may control.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s