Alden, bukod na pinagpala sa mga actors sa sunud-sunod na magagandang nangyayari

NI:  Rose Garcia

SI Alden Richards yata ang bukod na pinagpala sa mga actors ngayon. Sunod-sunod talaga ang magagandang nangyayari sa kanya.

Huwag ng isama ang pagiging businessman niya na alam namin, ilan na ang branch ng Concha’s niya at ang sarili niyang McDonald’s sa Biñan, Laguna. Pero, career wise as an actor, mabunga lahat ng nangyayari kay Alden.

Showing pa rin hanggang ngayon ang mega-blockbuster movie niya na Hello, Love, Goodbye with Kathryn Bernardo. At balitang ito na ang may hawak ng highest grossing film ever. Naungusan na ang last year’s The How’s of Us.

alden_richards_seoul

Ni-launch ang collaboration niya with Avel Bacudio na #AvelxAlden.

Dumating na si Alden mula sa Seoul, South Korea kunsaan ay tumanggap ng Asian Star Prize sa katatapos na Seoul International Drama Awards 2019.

“Annyeonghaseyo! It’s an honor receiving this recognition. My heart is full. Kamsahamnida.”

Parang bagong artista si Alden ngayon kung tingnan ng mga tao o mga fans. Halos lahat ng comments na nababasa namin ay guwapong-guwapo kay Alden gaya ng pag-attend niya sa Seoul International Drama Awards 2019.

Noong Sabado ay pumunta naman ng Cambodia si Alden for the special screening of Hello, Love, Goodbye pa rin at pagbalik nito ay siguradong focus na siya sa taping ng bago niyang primetime series sa GMA, ang The Gift na magsisimula ng mapanood ngayong September.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s