RK, nagandahan sa script kaya tinanggap ang role bilang isang ‘call boy’

NI:  Ricky Calderon

HINDI naman daw totoong hindi nagsusuot ng underwear si RK Bagatsing.

Tinanong namin si RK sa presscon ng Cuddle Weather, ang bagong mainstream film niya under Regal Entertainment kung saan bida siya.

“Of course, nagsusuot naman ako ng underwear pero I prefer boxers,”wika ng partner ni Sue Ramirez sa Cuddle Weather, na dinirek ni Rod Marmol.

RK BAGATSING AS RAM

Call boy ang role ni RK sa movie and kaya raw niya ito tinanggap ay dahil sa nagandahan siya sa script.

“At saka ‘yung karakter ni Ram, parang ako sa totoong buhay. Happy-go-lucky, cool kaya masyado akong nakaka-relate sa karakter ko,” pahayag pa ni RK na marami raw mga ginawang adlib sa movie na pinayagan ng kanilang direktor.

First time niya lang nakatrabaho si Sue pero gulat sila na maganda ang kanilang rapport sa mga eksena nila.

“Siguro kasi bigay na bigay kami sa roles na ginagampanan namin. Minsan kasi, I have this feeling na baka hindi tama ang acting ko at natatakot akong mapalitan sa role.      “Ganyan ang pakiramdam ko sa first few weeks ng Wildflower. Pero very collaborative naman ni Direk Rod kaya nagawa ko naman what I need to do sa role ko as Ram,” kwento pa ni RK.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s