Paolo, ‘di na kailangang mag-officially out sa gender preference dahil alam na nang lahat

NI: Ruel Mendoza

HINDI na raw kailangan ng bida ng Panti Sisters na si Paolo Ballesteros na mag-officially out siya sa kanyang gender preference dahil alam na raw ng maraming tao kung ano talaga siya.

“Kung ano yung nakikita mo, ganun yung pananaw ko sa sarili ko. Hindi mo kailangan i-chururot-churorot.

“Ayaw ko gumawa ng issue na ganun, na it’s a big issue. Naka-swimsuit na nga eh. Ano pa ba ang kailangan? Ganito rin naman ako kahit dati pa,” natatawang paliwanag pa ni Paolo.

the panti sisters poster

Hindi naman daw kailangan pang gawin malaking issue ang gender preference ni Paolo dahil hindi naman daw ito naging issue talaga.

“Hindi naman naging issue sa akin kung ano ba ako. Ginagawa ko lang ‘yung work ko, hindi naman ako nagpapa-girl sa normal na buhay… Alam ko, alam nila who I am.

“Kung sa film, siyempre kung ano ‘yung character, ‘yun ‘yung gagawin.

“Kung lalaki, kahit mahirapan, eh ‘di panglalaki. Mahirap din yung pambakla, pero mas mahirap yung lalaki.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s