Dating X-Factor UK contestant ‘Maria Laroco’, ni-launch na ang kanyang debut international album

NI: Throy Catan

NA-RELEASE na ang debut international album ni Maria Laroco na may titulong “Just Maria” under ng isang recording label sa Amerika na Odic Records. Labis ang pagpapasalamat ngayon ni Maria dahil finally ay na-release na ang nasabing album.

Para kay Maria, ang album ay itinuturing na breakthrough niya sa kaniyang career sa music industry dahil ito na talaga ang kaniyang pangarap simula nang siya ay bata pa.

Sa album ay mapapakinggan ang 10 original songs na isinulat ni Dawn Mari. Kasama ang carrier single na “Imagine“. Tungkol ang nasabing kanta sa nararamdaman na ‘magic’ ng pagmamahal ng isang kabataan. Malapit ito sa puso ni Maria lalo na isa rin siyang teenager.

Maaari nang makakuha ng kopya ng kaniyang buong album na “Just Maria” sa mga digital music platforms online tulad ng Spotify, BandCamp, Deezer, Spinner, iTunes at marami pang iba.

Matatandaan natin si Maria noong sumali siya sa X-Factor UK at napabilang sa Top 6. Sa audition pa lang, standing ovation na ang mga audience at mga judges habang kinakanta ang Purple Rain na pinasikat ni Prince.

Before X-Factor, ang The Voice Kids season 1 ang kauna-unahang national singing reality contest na nasalihan at napabilang sa team ni Coach Lea Salonga.

Nagsimula ang career ni Maria sa recording scene ng naging bahagi siya ng Universal Records Philippines at ini-released ang mga rendisyon niya ng kantang “Beauty and the Beast“. Ini-released din ni Maria ang revival single niya na “Hindi Ko Kaya” na pinasikat noon ni Geneva Cruz at ginamit ng isang Korean novela sa GMA na “All About my Mom“.

Naging kinatawan din si Maria sa Child Aid Asia concert na ginanap sa Tokyo, Japan.

Para sa buong detalye, panoorin ang video na ito:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s