Julia, siniwalat na ‘di naging boyfriend si Gerald kaya walang inahas at nilandi

NI:  Ricky Calderon

HINDI na naman mapigilan ni Julia Barretto ang magsalita tungkol sa issue na involved siya, Gerald Anderson, at Bea Alonzo.

Sa latest aria ni Julia, sinagot niya ang mga isyung ibinabato sa kanya – na boyfriend niya raw si Gerald, ang aktor daw ang dahilan ng hiwalayan nila ni Joshua Garcia, at inahas daw niya si Gerald sa nobya nitong si Bea.

Sa panayam ni MJ Felipe na lumabas sa TV Patrol, tinuldukan ni Julia ang mga ispekulasyon.

“Hindi ko naging boyfriend si Gerald at hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas at saka wala akong nilandi.”

Gerald-Anderson-Julia-Barretto

Sa tanong kung siya ba ay niligawan ni Gerald, mariin ang tugon, hindi niya ako niligawan.”

Hindi rin third party ang dahilan kung bakit nag-break sila ni Joshua. Wala raw ibang tao na dahilan ng break-up nila. Yung  mga personal issues raw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Joshua.

Sabi pa ni Julia, nasa proseso siya ng healing at moving forward sa lahat ng bagay. Hindi raw biro ang sakit na pinagdadaanan nilang tatlo. Hindi raw ito madali.

Tiyak na marami na namang netizens ang magkokomento sa bagong arya na ito ni Julia. Mas marami kasi ang naniniwalang may relasyon sila ni Gerald.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s