Dennis, pinayuhan si Julia na ‘wag munang mag-social media at magbakasyon; Gerald, kinausap at binalaan

NI:  Rohn Romulo

IBINABALIK ng VIVA Films ang “old-school comedy” sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na magsisilbing reunion movie nina Andrew E., Janno Gibbs, at Dennis Padilla, sa direksyon ni Al Tantay.

Noong dekada ’90, sumikat at nagtagumpay sina Andrew E., Janno, at Dennis sa larangan ng komedya. Napatunayan ang kanilang chemistry sa ’97 film na Si Mokong, si Astig, at si Gamol.  Makalipas ang dalawang dekada, magandang mapanood muli ang kanilang brand of comedy na pumatok sa kanilang mga Gen X fans at gagamitin para aliwin ang mga millennial viewers sa kasalukuyan.

SSS Trailer0258

Sa naturang pelikula, nakasama rin nila ang yumaong beteranong aktor na si Eddie Garcia na gaganap na kontrabida, kaya happy sila na nakasama nila si Manoy Eddie na pelikula.

Hindi naman makukumpleto ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo kung wala ang love interests na ginagampanan nina Louise delos Reyes, Cindy Miranda, at Vanessa Wright. 

Sina Julian Trono, Vitto Marquez, at Andrew Muhlach ay gumaganap naman bilang mga batang bersyon nina Andy, Johnny, at Dondon.

Samantala, first question pa lang ay sumabak na agad si Dennis sa hot seat dahil sa isyung kinasangkutan ng ng anak na si Julia Barretto na sinasabing dahilan sa paghihiwalay ng landas nina Gerald Anderson at Bea Alonso.

Sanggano-group2

“Siyempre ‘pag anak mo, ang una mong gagawin, proteskyunan, so ang sabi ko sa kanya, ‘wag ka na munang mag-social media. Pahinga ka na muna sa social media. Mas maganda magbakasyon ka na muna,” payo ni Dennis sa kanyang kontrobersyal na anak.

“Sabi ko nga sa kanya, kung wala ka pa namang shooting or hindi naman siya gaanong busy lumayo ka na muna sa social media. Hintayin mo na lang mag-die down kung anuman ‘yung isyu. So, ‘yun lang, ‘yun huling nasabi ko kay Julia.”

Dagdag kuwento pa ni Dennis,“nagtext ako tapos tumawag siya (Gerald) at nagka-usap kami at ni-remind ko lang sa kanya na, ‘pare, anak ko ‘yan!’

“So, ‘yun lang, siguro naman alam na niya ‘yun kasi lalaki sa lalaki naman.”

Pagbibiro naman si Andrew E, ginulpi raw ni Dennis si Gerald, na biglang sinagot niya ng, “hindi ako puwede ro’n, eh. May military training siya. Nakita ko, eh. Mayroon siyang military training. Nakita ko sa social media, nakabitin pa siyang gano’n.”

Mapapanood ang Sanggano, Sanggago’t Sangwapo sa September 4.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s