Angelu, walang pagtatampo kahit ‘di nakarating ang buong cast ng ‘T.G.I.S.’ sa kanyang 40th birthday

NI:  Rose Garcia

AKALA namin ay mapupuno ng buong cast ng T.G.I.S. ang salubong party ni Angelu de Leon noong Miyerkules para sa kanyang 40th birthday dahil kamakailan lang, inalala nila ang maituturing na pinaka-popular youth-oriented show ng Kapuso sa ika-24th years na nito.

Yun nga lang, si Michael Flores lang ang nakarating dahil halos lahat daw, may mga trabaho talaga.

angelu-40th

Sabi nga ni Angelu na hindi mo makikitaan ng kahit katiting na tampo e, “Siyempre, naiintindihan ko yun dahil kahit ako, I would rather work than celebrate my birthday.  Sabi ko nga rin, it’s not important kung hindi kami masyadong nagkikita, I will treasure them, everyone I’ve worked with, I’m at peace to everyone, okay na ko.”

Hindi rin daw imposible ang T.G.I.S. reunion na very much alive pa rin sa karamihan. At ang daming nagre-request na magsama-sama silang muli dahil may pina-plano talaga ang director nito na si Mark Reyes.

Happy naman kami para kay Angelu na talagang siguro nga, nauna na yung mga “not-so-beautiful” na mga pinagdaanan niya kahit bata pa lang at kasagsagan ng kasikatan niya.   Nagawa niya kasing maiayos ang buhay, magkaroon ng isang buo at masayang pamilya at the same time, tuloy-tuloy pa rin sa kanyang acting career.

angelu-wowie

Kaya para raw sa kanya, kahit na sinasabi pang “life begins at 40” ay puro pasasalamat lang daw talaga siya sa lahat instead na may mahihiling pa.

“Hindi ko talaga alam. Kasi sabi ko, I don’t feel like 40. I don’t feel the numbers pero yung mawi-wish ko lang talaga for me, lahat ng gagawin ko will give glory to God.

“Yun lang talaga, me and my family.”

Ilan sa mga artistang nakita naming naki-celebrate kay Angelu ay ang mag-asawang Priscilla Meirelles at John Estrada, LJ Moreno-Alapag, Maricar de Mesa, Gladys Reyes at iba pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s