ALDEN, walang pagsidlan ng kaligayahan sa success ng ‘Hello, Love, Goodbye’; mukhang malalampasan na ang kinita ng ‘The How’s Of Us’

NI:  Rose Garcia

TILA lahat ay right timing ang nangyayari sa career ni Alden Richards.

Aminado si Alden na may pagka-risk taker siya. Gumagawa siya ng mga out-of-the-box at ipinagpapasalamat lang daw niyang talaga na halos lahat, positibo naman ang nagiging resulta.

Ang paggawa niya sa Star Cinema ng pelikula sa unang pagkakataon, ang Hello, Love, Goodbye na feeling namin, mukhang makakaungos na sa kinita ng The How’s Of Us kaya hindi pa naglalabas ng update ang Star Cinema as to it’s recent box-office, e, mangsu-surpresa na lang. (As of August 23 ay may worldwide gross na ito nang higit sa P838-M)

hlg-800M

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Alden sa success ng HLG at sa mga nangyayari sa career niya, sey nga niya, puro pasasalamat lang daw siyang talaga.

Inilunsad na rin sa XYLO, BGC ang unang collaboration niya with designer, Avel Bacudio, ang Avel X Alden. Collection ito ng mga jacket, shirts, sporty pants na mabibili exclusively sa Zolingo at kunsaan, literal na collaboration ni Alden kay Avel dahil hands-on ang actor sa bawat detalye.

IMG-9659

Nagulat din si Alden dahil kailan lang daw niya na-realize at wala halos nakaisip at talagang hindi sinadya na ang character niya sa The Gift na bulag ay parang timing sa advocacy ng Avel X Alden kunsaan, mga batang bulag sa Northern Luzon Association for the Blind in La Trinidad, Benguet ang mga beneficiaries.

“Hindi naman nag-uusap ang AXA team at ang GMA creatives, pero nakakatuwa lang na tumayming lahat.”

Paalis din si Alden papuntang Korea ngayong Martes para tumanggap ng award sa Seoul International Drama Awards. First time raw niya sa Korea kaya bukod sa award na matatanggap ay excited din siyang makapag-explore sa ilang araw sa SoKor.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s