Rufa Mae, nag-deny na hiwalay na sila ni Trevor at walang pangamba kahit nasa Amerika

NI:  Ruel Mendoza

NAG-DENY si Rufa Mae Quinto na hiwalay na sila ng mister niyang si Trevor Magallanes.

Kasalukuyan kasing nasa Amerika si Trevor at nasa Pilipinas si Rufa Mae at ang anak nilang si Alexandria.

Natawa na lang si Rufa Mae sa balitang ito dahil wala naman daw katotohanan.

“May work kasi si Trevor sa Amerika. Hindi nga ba, pulis siya doon. Hindi naman niya puwedeng pabayaan ang trabaho niya.

“Kami naman ni Alexandria, puwede naman kaming tumira roon sa States. Pero naisip ko rin, ano ang gagawin ko roon? Malalayo pa ang anak ko sa mga pinsan niya at mga friends niya.

“Kaya may arrangement naman kami ni Trevor na kami na lang ng anak namin ang dadalaw sa kanya roon.

rufa mae & alex

“Sa totoo lang, may mga offers na dumarating na nakakapanghinayang na tanggihan. Tulad nitong And Ai Thank You, magandang comeback ko ito ulit sa movies.

“Tsaka alam naman ng mister ko na-miss ko na ang showbiz. Kaya payag naman siya. Walang problema sa kanya.

“Marami naman daw paraan para magkita at mag-usap kami everyday. May Skype naman, may Facebook. Maraming paraan na para di namin ma-miss ang isa’t isa at makausap niya ang anak namin,” ngiti pa ni Rufa Mae.

Hindi naman daw nangangamba si Rufa Mae na baka mambabae ang mister niya sa ibang bansa.

“Kahit na long distance love affair kami, I trust him. Tried and tested na ang relasyon namin kaya wala akong worries. Ako lang daw ang nag-iisa at wala nang iba!” sabay malakas na tawa pa ni Rufa Mae Quinto.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s